Spark 30

57 0 0
                                    


Chapter 30

Night Concert

Me:
You're not coming?

That was my last text to Klein before we are called in the stage for our last practice today.

Dalawang araw na kami rito sa General Santos City. We practiced yesterday at ngayon ang huling practice namin dahil mamayang gabi na ang concert. Klein told me he's coming with me pero hindi 'yon natuloy dahil may biglang pinasuyo sa kanya sa opisina kahit pinayagan naman siyang mag-leave ng ilang araw. Kahapon pa siya bihirang nagte-text. I tried calling him too pero nagri-ring lang ang cellphone niya. After that, he'll text that he's busy.

Hindi na ako sigurado kung makakapunta pa ba talaga siya sa concert, e, mamaya na 'yon.

"Shiana! Focus!" sigaw ni Tito Madrid nang mapanood akong matamlay at pagod na.

Napalingon sa akin si Irah na noo'y kaiikot lang sa next transit. "Ayos ka lang?"

"Yeah, sorry."

"Last na 'to. Kaunti na lang and then we'll rest."

Tumango ako at pinilit na ang sarili na magpatuloy. Nang matapos ang kanta ay naupo agad ako sa sahig ng stage, hinihingal at nanamlay na sa pagod. Hara immediately got me a water and handed it to me, akala siguro mamamatay na ako.

"Hoy, ayos ka lang? Nagmumukhang libing mukha mo ngayon, pucha," aniya habang binubuksan ang bottled water.

Tinanggap ko 'yon. "'Yos lang."

"Tayo ka. Do'n tayo magpahinga. Huwag dito!"

Tumango ako at nagpadampot na sa kanya papunta sa backstage.

Irah and Venn immediately went to me to check my state. They looked so worried. Sinabi ko lang na pagod ako at nakumbinsi ko naman sila kaya tumigil na rin.

Hindi na kami pinabalik sa hotel at pinagpahinga na lang sa preparation room para diretso ng maayusan mamaya sa concert. I settled down on my personal seat and checked my phone. Mabilis kong binuksan ang messages nang makitang may reply doon si Klein.

Klein:
I'm sorry. I'll try my best na makabyahe agad. I promise.

Ibinaba ko ang phone ko, isinandal ang batok sa backrest at saka pumikit. I doubt if makakahabol pa siya rito mamaya. He looked so busy I don't think his work will be done immediately.

Bumuntong-hininga ako. Hindi ko alam kung anong mararamdam ko. I can't be disappointed because it's the call of his work. Mas importante pa rin ang trabaho. Pero kasi... 'diba nga nagleave? Bakit kailangang ganito?

Ano ba 'yan! Why am I suddenly cringing? I can't believe it!

Pinili ko na lang na ipagpahinga ang frustration ko roon. Nagising ako noong niyugyog ako ni Venn para matingnan na ang susuotin naming damit. I'm going to wear our personalized bomber jacket with initials "GS" on the right side. Beneath it is the sparking beige crop top paired with the white personalized Girls' Sentinels leggings. Our name was printed on the upper right side of the leggings. Pareho kaming white leggings ang pang-ibaba pero magkakaiba na ang style ng damit pang-itaas. I'm going to wear a crop top, sleeveless kay Venn, turtle neck shirt kay Irah at graphic tee naman kay Hara. All are color beige too.

Pagkatapos magbihis ay sinimulan na rin agad ang make-over sa amin. Tito confiscated out phones kaya focus kaming lahat sa pag-aayos. I even heard Irah and Venn practiced their vocals randomly and Hara trying to recall the actions. Cameras are around too, filming us randomly.

Hours went by and minutes after, we just found ourselves in front of many people that's cheering on us very loud.

"Good evening, General Santos City!" Irah shouted and the entire foursquare hall vibrated in so much loudness.

Rains of Sparks (Celebrity Series #4) [COMPLETED]Where stories live. Discover now