Spark 31

62 0 4
                                    


Chapter 31

Beach's Date

"I'm sorry. You did a very great job right there, though." aniyang halatang pinapalubag na lamang ang sama ng loob ko.

He was still hugging me while I remained unresponsive. Natatawa siya dahil hindi pa rin nababago ang timpla ko kahit ang dami na niyang pampalubag loob.

"You still scamed me." puno ng tampo kong sabi.

He buried his lips on my hair and chuckled. "I told you it's a surprise. Ngayon ko pa lang sana ipapaalam sa'yong nandoon ako at nanonood pero nakakagalit na umupo ka pa talaga roon at ngiting-ngiti sa mga lalaking baliw na baliw sa'yo, amp!"

"Tss. Those are our fans. What do you expect me to do? We always do that."

"Those boys are crazy for you so much. I thought girls only do that when fangirling."

Girls, huh? Hindi lang siya ganoon ka-agresibo roon pero I'm sure he's one of those crazy fans! Nanisi pa ng iba!

"Tss, scam ka pa rin!" inis na asik ko at hinampas ang dibdib niya. "I waited for your text! Akala ko hindi ka na talaga makakaabot! Anong oras kang nakarating dito?"

"Kaninang hapon. Sinadya kong huwag magpakita but I texted some messages. Hindi ka na nagreply."

"We're already busy preparing for concert, you scammer!"

Humalakhak siya, natatawa sa pagkabadtrip ko. "Alam ko. Nagso-sorry na nga, e."

"Paano ka nakabili ng ticket? Saan? Kailan pa 'yan, ha? Ba't hindi ko man lang alam!"

"When I asked your manager about your sched, nakabili na ako."

I can't believe this man!

"You fanboy," inis na naningkit ang mga mata ko.

"Hindi ganoon, ah! Syempre, sumusuporta ako!"

"Yeah, that's why you told me you love watching me in the stage too much," I smirked sarcastically. "You looked like a very crazy fanboy there who's thirsty for attention. Tss. Nanunulak pa nga,"

"Anong sabi mo?"

Inismiran ko siya at tinalikuran para makabalik na sa personal seat ko. Bumuntot naman agad siya sa akin. The girls greeted him cheerfully at hinayaan ko na silang magbatian doon habang nagtatanggal ako ng make up ko.

Kinausap muna kami ng event organizer bago kami pinayagang magpahinga na sa gabing 'yon. We rented a hotel. Tig dalawa kada kwarto kaya kami ang magkasama ni Hara. Klein was with us on our way to the hotel. Nakasunod lang ang sasakyan niya sa service namin. Doon ko lang din naramdaman ang kakaibang pagod sa gabing 'yon. Kaya noong makarating sa hotel ay halos mahulog na ang mga mata ko sa antok.

"Antok na yarn?" pang-aasar ni Hara na as usual, hindi pa nauubusan ng energy.

"Siraulo," Humikab ako.

Lumabas ako ng service at mabilis na inasikaso ni Tito. Tinatanong kung ayos lang ako. I smiled and nodded. Pinakawalan din niya ako nang makitang papalapit sa akin si Klein noong nasa reception area na kami ng hotel.

"You're sleepy?" he asked and held my arms.

Tumango ako. "Hindi ka pa uuwi?"

"I rented a room here,"

"Oh..." Hindi ko inaasahan 'yon.

He smirked with my reaction. "What's with that face? Magkaiba tayo ng floor. 'Di kita gagapangin."

Rains of Sparks (Celebrity Series #4) [COMPLETED]Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora