Spark 42

63 2 0
                                    


Chapter 42

I survived

< KLEIN >

I was young when I found out that my heart was out of condition. Akala nina Mama, impossible iyon dahil ang bata ko pa para magkaroon ng sakit sa puso. But our family lineage has a history of heart failure. Hindi nga lang sigurado kung namana ko ba 'yon o sadyang may deperensiya talaga ang dibdib ko.

I was suffering on it for years. Walang nagma-match sa akin na heart donors. Sobrang hirap. Araw-araw akong nahihirapan. Sa sobrang hirap ay halos magmakaawa na ako sa mga magulang kong bitawan na ako. Na gusto ko na talagang magpahinga. Na pagod na akong mabuhay.

Hirap na hirap na akong lumaban. Kapag dumidilat ako at naabutan sina Mama na umiiyak at depress sa kalagayan ko, mas lalong gusto kong ihinto na lang ito. I'm sure when I'm already gone, they will not suffer like this anymore. Pabigat lang ako sa kanila. They're restless. They were always crying. I hurt them a lot.

Araw-araw, lumalakas ang loob kong sumuko. Na magpahinga na lang habang buhay. Hindi ko maatim na ang mga iyak ni Mama ang nasisilayan ko. Mas lalong sumisikip ang aking dibdib. Mas lalo akong pinapatay.

"M-Ma, please..." Nanginginig ang namumutla kong labi. Nakahiga ako sa kama at nanghihina. "Ma, i-itigil na lang natin. Tumigil ka na, please. Gusto ko ng magpahinga. Gusto ko ng matulog. Pagod na pagod na ako."

"Hindi! No, Klein! Magagawan namin 'to ng paraan ng Daddy mo! Mabubuhay ka! Kumapit ka, anak, please. Huwag naman ganito. Nagmamakaawa ako, Klein."

Pumikit ako at napalunok. "H-Hindi ko na kaya, Mama."

Napasinghap siya at humagulhol. She cried so hard that I blamed myself again. Namumuo ang luha sa mga mata ko. Kung sana ay wala akong sakit. Kung sana ay maayos ang puso ko...

I love my parents so much. As much as I don't want to leave them, I can't let them suffer like this too. Nasasaktan ako. Para na rin akong binawian ng buhay.

"Baby, hold on, okay? We'll do everything for you. Please, son. Huwag kang sumuko. Huwag mo kaming iiwan ng Mommy mo. Nandito kami. Nandito kami palagi." Papa begged.

Tahimik na tumulo ang mga luha ko. Para ulit akong aatakihin sa sakit ng aking didbib. I was afraid I'll get another attack again because my chest was really hurting but I fell into a deep sleep that day.

Nagigising ako ng ilang araw at kapag hindi ko nadadatnan sina Mama sa kwarto sa mga araw na nagigising ako, pinipilit ko ulit na matulog hanggang sa ilang araw ulit bago ako magising. Kapag naman nandiyan sila ay pinaparamdam ko kung gaano ko na kagustong sumuko.

But they just didn't want to give up on me. Alam kong maling sumusuko ako gayong lumalaban sila sa akin pero ayaw ko ng umasa. Patagal ng patagal, napapagod na ako. Nawawala na ang lakas ko.

Isang araw ay nagising ako at nadatnan ang isang di ko kilalang lalaki na nakatitig sa akin. Matangkad siya at malambot ang features sa mukha. Base sa itsura ay hinuha kong kaedad ko lang din.

Nagkatitigan kami. Umawang ang bibig niya sa gulat nang makitang dumilat ako. He immediately called Mama and Papa. Mabilis namang dumalo sina Mama sa akin.

Mom and Dad were busy checking on me while my eyes remained to the boy. Nakita nilang nakatitig ako rito kaya ngumiti si Mama at ipinakilala ako.

"Keene, this is my son, Klein Jee Alvarez." Maluha-luhang sabi ni Mama at hinawakan ang kamay ko. "Klein, anak, this is Keene. He's gonna be your brother."

Rains of Sparks (Celebrity Series #4) [COMPLETED]Où les histoires vivent. Découvrez maintenant