Chapter 23

4 2 0
                                    

Abot tainga ang ngiti ko nang marinig ang pagtunog ng door bell. Agad akong tumayo mula sa pagkakaupo sa sofa 'tsaka dali-daling lumabas ng bahay para buksan ang gate. As I saw him standing in front of our gate fresh from his meeting and has a red rose on his hand, I immediately hug him. Halos mapa-atras ito sa impact.

"Thank you so much for coming!" Masayang usal ko sa pagitan ng aming pagyayakapan.

"As I should." Aniya bago kami kumalas sa pagkakayakap sa isa't isa.

He cupped my cheek while smiling before planting a kiss on my forehead.

"Tara na sa loob, the dinner is about to start."

Pagpasok namin sa loob ay saktong naka-upo na ang lahat. Sabay-sabay silang tumingin sa direksyon namin nang maramdaman ang presensiya naming dalawa.

"Ma, Pa, Kuya, si William po... boyfriend ko."

I pursed my lips as they didn't respond. Napayuko ako dahil doon, but I suddenly heard dad laughing kaya agad ako napalingon sa kaniya.

"I'm so happy you finally have a boyfriend, JL." He said before lending his hand on William.

Agad namang kinuha iyon ni William 'tsaka nag-mano. I saw dad's reaction was amazed before nodding. Sunod na lumapit si William kay Mama 'tsaka nag-mano bago kami umupo. Katabi ko si Mama habang si William ay naupo sa tabi ni Kuya.

We started eating after that and started talking some things. Si Mama at Papa ang unang nag-uusap at tahimik lang kami. They're talking about businesses and their business trip sa France. I heard my fashion show doon at invited daw sila Mama pati na rin ang mga fashion designers ng company. I wanted to come as well pero sobrang dami kong ginagawa.

"Anyways, how are you, hijo?" Sabay-sabay kaming napalingon kay Papa bago ibinaling kay William ang tingin.

William cleared his throat before answering.

"I'm good po, doing great."

"I heard kilala ang pangalan mo," ani Papa.

"Not really po, streamer po ako and currently entering pro scene."

"Wow, so you have a career already."

"Opo, Pa actually kagagaling niya lang sa contract signing sa team na kumuha sa kaniya." Nakangiting dagdag ko.

"Really, how was it? Maayos naman ang contract? Ang management?"

"Yes po, kilalang team po 'yung kumuha sa 'kin and I know the team is good."

"That's great dahil sa mga ganiyang aktibidad may mga management talaga na hindi maganda ang pagha-handle especially when it comes to their players. I'm rooting for you, hijo goodluck sa career mo."

"Thank you po–"

"Tito," Dad cut him off, "you can call me that." He then added.

Napatingin sa 'kin si William at sabay na gumuhit ang ngiti sa labi naming dalawa.

"Thank you you po, Tito."

And we continue eating and talking.

I'm so happy they're good with William. Masasabi kong gusto siya ni Papa at Mama dahil nakikita ko 'yon sa mga mata nila, they're smiling the whole time up until now. Sobrang nakatataba ng puso makitang okay sila kay William.

After the dinner agad kong pormal na ipinakilala si William kila Manang. Natuwa naman si Manang Tess dahil finally dalaga na raw ako. Ako rin natutuwa sa sarili ko eh, lalo na at nakilala na si William dito sa bahay.

Living With The Game (Living Series #2)Where stories live. Discover now