Chapter 4

18 7 0
                                    

"Ano, girl? How's the game last saturday?" Patrice asked while we were heading in the library.

"Syempre panalo–at syempre sasamahan mo 'ko sa finals." Huminto ako sa paglalakad at humarap sa kaniya to wait for her answer.

"Sure but... when?"

"This saturday,"

"Sorry to say may lakad kami ng family ko sa sabado."

"Ano ba 'yan!" Napakamot nalang ako sa ulo bago naglakad muli.

Binalik lang namin 'yung mga libro sa library bago dumiretso sa cafeteria para mag-lunch.

"Ayaw mo bang uminom mamaya? Miss ko na mag-club."

Napatingin ako kay Patrice, malungkot na kumakain habang pinaglalaruan 'yung gulay sa plato niya.

"Lunes na lunes inom ang nasa isip mo,"

"Oo, lunes na lunes ang dami na agad ginagawa. Mamaya panigurado marami na namang gagawin, kaya sige na please? Nagyayaya rin sila Jenny eh."

"What? I didn't know that,"

"Hindi ka kasi nagpaparamdam sa group chat." Umirap ito bago muling sumubo ng kanin.

Well, they're my friends from other university. Hindi ko naman alam na nagyayaya ang mga ito, naka-turn off notification kasi sa 'kin 'yung group chat dahil ang ingay nila.

"Wala naman tayong quiz bukas 'di ba?" She wiggled her brows. "Okay, I'm in."

Agad lumiwanag ang mukha ni Patrice, kita mo 'to moody. Mahigit isang linggo ko nang hindi nakikita sila Jenny, panigurado tatamaan na naman ako sa mga 'yon. Sadista rin ang mga 'yon eh.

"Uy, lods!"

Sabay kaming napatingin ni Patrice sa nagsalita at sa hindi inaasahan, it's William. Napasapo ako sa noo ko nang makita itong malawak ang ngiti na papalapit sa table namin.

Ano nalang ang sasabihin ko kay Patrice kapag nagtanong ito?

Umupo si William sa tabi ko habang ang dalawang lalaki na kasama nito ay nasa magkabilang gilid ni Patrice. After a few seconds, may tatlong babae na dumating. Agad nanlaki 'yung mata ko nang makita 'yung babaeng kasama nito sa coffee shop noong sabado. Sinundan ko lang ito nang tingin hanggang sa makaupo siya sa kaliwa ko habang 'yung dalawang babae naman ay sumingit sa pagitan no'ng dalawang lalaki sa tabi ni Patrice.

"Hello, I'm Marielle,"

"I'm Jushel,"

Pareho nilang inilahad ang kamay kay Patrice. Naguguluhan pa itong tumingin sa 'kin. I just gave her an 'I don't know what's happening' look.

"Patrice." She simply answered before shaking their hands.

"Kain kana, lods."

Nag-aalangan akong lumingon kay William, puno pa ang bibig nito habang taas-baba ang kilay nitong nakatingin sa 'kin.

"Why are you all here? Who are they?" I asked in gritted teeth before secretly glancing on them.

"They are my friends. Sabi ko ay dito nalang kami mag-table since nakita kita. Sabi ko ay magkakilala tayo, so don't worry." Kumindat pa ito bago ituro ang pagkain ko using his eyes.

Nagpakilala rin 'yung dalawa kay Patrice, 'yung nasa tabi ni Marielle ay Ewald at Vincent naman 'yung katabi ni Jushel. Pinagmamasdan ko lang sila habang kumakain, they're talking about school related, halatang nahihiya pa si Patrice sa mga ito kahit naman wala talaga siya no'n. Siguro ay nagulat lang ito sa hindi inaasahang pagdating nila.

Living With The Game (Living Series #2)Onde histórias criam vida. Descubra agora