Chapter 24

9 2 0
                                    

I cleared my throat to catch their attention, good thing it was effective. Agad akong nilingon ni William at nginitian bago nagbigay ng espasyo sa pagitan nila ni Loraine upang makaupo ako. Agad naman akong umupo sa gitna nilang dalawa. Hindi nalang ako umimik at hinintay silang dalawa matapos maglaro. Minutes later they are finally done, kinuha ni William ang hawak kong makapal na binder na aaminin kong nakakangalay bitbitin.

"Nice game, I'll go ahead," Loraine said and was about to go.

"Baka gusto mo sumabay na sa 'min mag-lunch, may kasama ka ba?" I asked, ramdam kong napatingin sa 'kin si William pero kay Loraine lang ako nakatingin.

"Ah yeah, I have my friends with me." Nakangiting aniya bago muling nagpaalam at umalis.

Hinintay namin itong makalayo bago kami tuluyang umalis sa lagoon ni William.

"What was that?" He asked habang papasok kami sa cafeteria.

"What?"

"Yung pag-aya mo kay Loraine na sumabay sa 'tin mag-lunch?" He asked, so confused and halatang hindi iyon inaasahan na nanggaling 'yon sa 'kin. 

"Wala, I was just asking her. Baka wala siyang kasama mag-lunch eh. Why? Do I sound sarcastic or what?" Usal ko habang bumibili ng pagkain.

"Hindi naman, nagulat lang ako." Aniya, nilingon ko siya at nakitang tinatago nito ang ngiti habang pumipili ng makakain. 

Napailing naman ako at hindi rin napigilang ngumiti. Kasi naman bakit ang gwapo niya kahit naka-side view. Side profile yarn? 

Agad naman kaming pumunta kung saan sila Jushel. 

"Oh, where is Patrice?" Andrea asked looking for my besty. 

"She's with Henz," 

"They really have something huh," nakangiting usal ni Marielle na para bang nang-aasar.

If Patrice was here, Marielle would probably tease her. 

"Busy ba kayong lahat? Inom naman tayo." Biglang usal ni Ewald habang naka-simangot na isinubo ang kanin na nasa kutsara niya.

"Alak na alak ka na naman ba?" Pang-aasar ni William at tumawa naman ang lahat.

"Ulol, alam kong alak na alak na rin kayo aba. Tanggal stress lang."

"Wow ha, akala mo talaga nai-stress si gago." Pang-aasar ni Andrea, binatukan naman ito agad ni Ewald.

"Nai-stress nga ko wala na 'kong pera eh."

Bigla namang nag-iba ang ekspresyon ng mukha ni Andrea na para bang nalungkot din, agad nitong pinalo nang mahina ang balikat ni Ewald upang damayan ito.

"Nakaka-stress nga 'yan," malungkot na usal nito. Natawa naman kami sa kanilang dalawa.

"Sa wednesday baka pwedi ako or saturday," usal ni Marielle.

"I suggest saturday kasi sunday ay sure naman na mga wala kayong schedule no'n eh." Ani Jushel.

Napatango naman kaming lahat. Wala akong pasok ng linggo eh.

"What do you think?" Dagdag pa ni Jushel at nagtinginan naman silang lahat.

"Tama, sabado na lang para sure na rest day kinabukasan." Usal naman ni Andrea, agad namang natuwa si Ewald.

"Yown, mahal ko kayong lahat. Sagot ko na silang bucket."

"Gago talaga 'to oh. Stress daw dahil walang pera pero sagot isang bucket." Natatawang sambit ni William, natawa naman kami lalo na't sinapawan pa ito ni Andrea na kesyo raw stress ito dahil kulang siya sa alak. 

Living With The Game (Living Series #2)Where stories live. Discover now