Chapter 34

4 3 0
                                    

"Ma'am? Ma'am?"

Agad akong napabalik sa wisyo as May snapped her finger in front of me to catch my attention. 

"Yes? I'm sorry, medyo may hangover pa kasi ako." I lied before massaging my temple. 

Paano ba naman kasi, iniiwasan ko na ngang ma-encounter sana si Wil, tapos ending ay nasa iisang condominium lang kami and worst ay magkatapat lang kami ng unit. 

"Gano'n po ba, Ma'am. Anyway, regarding sa appointment with Mr. Go regarding sa Cavite branch ire-schedule nalang po ba?"

"Yes, re-sched mo next week dahil loaded tayo ngayong week." I said bago itinuon ang pansin ko sa trabaho. 

I make myself busy, kahit 'yung trabaho ko na para bukas ay nagawa ko na ata ngayon para lang makalimutan ang mga bagay-bagay jusme. I stretch my arms before tilting my head dahil sa ngalay. I look at my wrist watch at napansing hapon na pala. I even forgot eating my lunch. Siguro naman ay tapos na ang shoot ng Alienation Ph for advertisement. I really don't want to encounter him again.

Inayos ko ang table ko bago kinuha ang purse ko 'tsaka naisipang pumunta sa cafeteria para kumain. Nang makarating sa cafeteria ay maluwag ang dibdib kong um-order sa counter at naghanap ng pweding ma-upuan. As I finally found one ay uupo na sana ako ro'n nang may maunang umupo. And unfortunately, it's William with his team. Umangat ang tingin nito sa akin na para bang napansin ako nitong paupo na sana sa table. He scanned the table kung magkakaroon ba ng vacant dahil itong table nalang na ito ang available. I was about to go now at sa office nalang ako kakain nang magsalita ito.

"You can join us." He then said dahilan para mapahinto ako. 

"Yes po you can join us, hindi po kami mag-iingay." Dinig ko namang usal ng isa sa team nito. I bit my lower lip to stop myself from laughing dahil para itong bata na nagpapaalam, although mga bata ang hawak ni William na team. 

I really don't want to encounter this guy, I even made myself busy just to forgot all that happened tapos ganito pa ang mangyayari. Well, ayoko rin namang mangamoy ulam ang office ko kaya tinanggap ko nalang ang offer nila. I put down my tray 'tsaka bumalik sa counter para kunin ang order kong dessert. I was on my way back to my seat nang mapagtantong nasa gilid ko si Mateo na siya ring may dalang tray at sumabay sa akin sa paglalakad.

"Hi there." Anito at tumango naman ako to acknowledge his greetings. 

"So, how are you last night?" He then asked while walking with me. 

"I don't actually remember all that happened. I'm too drunk, I guess," Natatawang usal ko at ibinaba ang tray nang tuluyang makarating sa table namin. 

"Really? We were actually dancing together on the dance floor, yet hindi tayo masyadong nakapag-usap because we got interrupted by someone." He stated before glancing at William. "Oh, you're with him? With his team rather." He corrected nang makita ang team nito.

I heavily gulped as I saw them staring to each other's eyes like they are communicating. I cleared my throat to catch their attention.

"Yes, wala na rin kasing table na available so they offered me to join them." Nakangiting usal ko kasi ang awkward ng sitwasyon namin dito. Tumango-tango naman ito. "Okay then I'll go ahead." Aniya at tumango naman ako at awkward na ngumiti. "See you when I see you." He added bago tuluyang umalis. 

Umupo nalang ako and began eating my food.

"Naku Ma'am, kung ako sa 'yo iwasan niyo 'yang si Mr. Mateo—" One of William's member said but William stared at him so deadly. 

Nagpali-lipat sa kanila ang paningin ko sa pagtataka.

"Excuse me?" I stated to catch their attention. "Care to explain why?" Dagdag ko pa.

"Wala 'yon, kung gano'n naman kayo ka-close then you don't need to follow what this guy said." Usal nito habang nakatingin sa akin.

"Like what I've said, we're not close okay?" Naiiritang usal ko dahil nabanggit ko na rin naman sa kaniya na hindi kami close si Mateo. 

"You guys look close to each other,"

"Of course not. Siya lang itong nag-aapproach sa akin out of nowhere. And I'm not even c-comfortable talking to h-him." I explained 'tsaka napayuko before eating a spoonful of my food. Napuno naman ng katahimikan ang table namin hanggang sa matapos na kumain ang lahat ng kasama nito, habang ako ay kumakain pa rin. Meryenda at tanghalian ko na itong kinakain ko kaya medyo naparami ang order ko.

"Boss, una na kami sa hall." Usal ng isa sa kasama nito habang lahat sila ay nakatayo na at handa nang umalis. Napatingin naman ako sa kanila at maging kay William na hanggang ngayon ay hindi pa rin tapos kumain.

"Sige, just behave." Usal nito bago ibinalik ang pansin sa pagkain nito. Nagpaalam naman ang team niya maging sa akin bago tuluyang umalis. 

I pursed my lip before returning my gaze to my food.

"How are you feeling by the way?" Basag nito sa katahimikan.

"A-ahm, I'm fine. Medyo may hangover pa kaunti, but I can still work." I stated.

Bakit ba siya nagtatanong? Kung hindi niya kaya ang awkwardness, pwes ako ay kaya ko. H'wag nga siyang feeling close. 

Minadali ko nalang ang pag-ubos ko sa pagkain ko nang bigla akong mabilaukan. I pat my chest and was about to get some water when I noticed I don't have one. Napatingin naman agad ni William sa 'kin and immediately offered his water. Hindi na ako nag-inarte pa at ininom na 'yon agad. 

Ibinalik ko naman ang baso ng tubig kay William na ngayon ay wala ng laman. 

"I'll just get you another one." Usal ko at akmang tatayo na.

"No, it's fine." Pigil nito na agad ko naman sinunod at bumalik nalang sa pagkakaupo. "You should be careful." Dagdag pa nito and our eyes met. 

I pursed my lip before looking away. "Yeah, I should be careful." I muttered like I wasn't even talking about how I eat. 

As I finished eating ay halos kasabay ko lang itong matapos. We don't have any choice kung 'di ang sabay na makapasok sa elevator. 

"I'll go ahead." I said as the elevator stops on the floor where my office is located 'tsaka ako lumabas. I don't even know kung bakit ba ako nagpapaalam dito.

"Work well, Ms. CEO." Usal nito habang nakangiti at tuluyan nang magsara ang pinto ng elevator. 


Living With The Game (Living Series #2)Where stories live. Discover now