Chapter 17

10 2 0
                                    

Napahawak ako sa countertop ng kusina nila Patrice nang makainom ako ng tubig. Huminga ako nang malalim 'tsaka 'yon ibinuga para pakalmahin ang sarili ko.

Ilang sandali lang ay naramdaman ko ang pagpulupot ng kamay sa bewang ko, I knew it was William because of his scent when he leaned his chin on my shoulder. I held his arms to remove his hugs but he didn't let me.

"Bakit ka nandito? Bumalik ka ro'n." Inis na usal ko. He just groaned before hugging me tighter.

"What's the matter? Tell me, may nagawa ba 'kong hindi mo nagustuhan para hindi mo 'ko pansinin?"

Tanong niya 'tsaka napatingin sa 'kin habang nakapatong pa rin ang baba sa balikat ko. Napalunok ako sa tanong niya, hindi alam kung ano bang isasagot ko.

"Joanna," Aniya 'tsaka ako pinakawalan at iniharap sa kaniya. "Tell me, ano bang problema? May problema ka ba?" Dagdag pa niya bago hinawi ang buhok ko upang ilagay sa likod ng tainga ko.

"Wala akong problema–"

"Then why are you ignoring me?"

"Am I?"

He sighed before letting go of my shoulder and massaged the bridge of his nose.

"Hindi ba halata? My friends keep on asking me whether we fight or something. And I literally don't know what to say dahil ako mismo napapatanong kung may pinag-awayan ba tayo, dahil wala akong maalalang pinag-awayan natin. Now tell me, baby... what's wrong?"

He stared on me with so much worry and confusion. Napayuko ako 'tsaka nag-umpisang laruin ang mga kuko ko.

"Hindi naman ako galit, naiinis o ano eh. It's just... I don't know how to act normal when you're around."

"Why?"

"Eh kasi... the night you... you t-touch me." Napakagat ako sa pang-ibabang labi ko, iniisip kung tama ba 'yung term na binanggit ko.

I heard him chuckled before cupping my cheeks to looked at him. He leaned closer to kiss my forehead before looking at me with a smile.

"Were you thinking about that?" He asked, halatang pinipigilan matawa.

"H'wag kang tumawa dahil hindi ako natutuwa. Nakakahiya kayang kumilos ng normal knowing what you did. It's embarrassing, alam mo ba 'yon?"

"No, it's not embarrassing."

"Eh kasi–"

"Gusto mo ulitin ko para masanay ka?"

Nanlaki 'yung mata ko at agad itong hinampas sa braso.

"Baka may makarinig sa 'yo, ano ka ba?!" I said while looking around.

Natawa naman ito bago nito pinulupot ang kamay sa bewang ko para yumakap kaya napatingala ako sa kaniya.

"Don't ignore me again, okay? Nasasaktan ako alam mo ba 'yon?" He made a sad face so I tiptoed and planted a kiss on his lips.

"Sorry na nga eh. Hindi ko na uulitin." I gave him a smile before wrapping my arms around his neck.

"Kaya pala tumanggi kanina. You two are together?"

Sabay kaming napalingon sa nagsalita at nakita si Xazhia na nagbukas ng ref.

"Mm. He's taken, he's with me and he's mine."

Natawa naman si Xazhia, natawa rin ako nang mag-angat ito ng kamay na para bang sumusuko.

"My bad, may tama na kasi ang isang 'yon, gusto namin makitang mag-lap dance and we picked the wrong guy, I'm sorry." Natatawa pa ring aniya.

"Eh sino nalang ang sinayawan niya?" Tanong ko.

Living With The Game (Living Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon