Chapter 9

17 5 0
                                    

"Joanna, si Patrice nasa baba." Ani Manang Tess at dinig ko ang yabag ng paa nito paalis sa harap ng pinto ng kwarto ko.

Tumayo nalang ako bago bumaba, nakita ko si Patrice na naghihintay sa sala. Lumapit ako 'tsaka umupo sa tabi niya, agad naman itong humarap sa 'kin at hinaplos ang pisngi ko.

"How are you now? Ang sabi ni Tita kahapon nasa kulungan na sila. Kumakain ka ba?" Sinuri nito ang katawan ko bago kinuha ang nasa paper bag na dala niya, it's a milkshake. "Here," she held my hands to hold it.

"I'm fine. Bukas ay papasok na 'ko." I gave her a slight smile to ease her.

"Pumasok ka kung okay na ang kalagayan mo, you're excuse don't worry. Lahat sila ay concern sa nangyari sa 'yo. Kilala mo ang professors natin, they would rather choose the safety of their students than acads, bibigyan ka naman nila ng oras para mahabol 'yung quizzes. Hindi naman gaanong marami hindi rin mahirap, you can catch up. " May kinuha ito sa bag niya na papers at nilapag sa coffee table. Sinuri ko 'yung papel at nakitang notes 'yon.

"Thank you, Pat."

She again cupped my face and gave me a bright smile.

Tatlong araw na akong hindi pumapasok and Patrice is always their to update me kahit wala ako sa tamang pag-iisip dahil sariwa pa rin sa isip ko 'yung nangyari. Pero hindi ito napapagod sa pagtulong sa 'kin, she even revised my research at siya na ang nagpasa then now giving me a notes, halatang gumawa siya ng copy para sa 'kin.

"Bukas papasok na 'ko."

"Don't force yourself,"

"Kaya ko na." I gave her a smile before holding her hands.

"H'wag mo nang isipin 'yon, okay? Tignan mo 'yang eyebags mo oh."

Agad naman akong napahawak sa eyebags ko. I can't help but to overthink every night. Ang hirap pigilang mag-overthink.

"By the way, nagpunta na ba rito si Wil? Sabi niya ay pupunta raw siya eh, I asked him na sumabay na pero sabi niya ay may bibilhin pa raw siya."

"Really?" Biglang usal ko. Hindi ko alam kung bakit bigla akong nakaramdam ng excitement.

Tumango-tango ito. "Akala ko nga nandito na siya eh kasi may binili rin ako, naunahan ko pa pala ang loko." She said referring to my milkshake.

"So, I should get going na."

"Alis kana agad?" I pouted, "Uuwi kana?"

"C'mon, William will be here naman. I need to take a rest because I made all of that last night okay?" Aniya sabay turo sa papers na nasa mesa.

"So anong gusto mong iparating?" I raised my brow on her before crossing my arms over my chest.

"What am I saying is, I love you so much to the point na I made that for hours without knowing the time, okay?"

Muli akong napatingin sa mga papel, ilang pahina rin 'yon kaya alam kong napuyat nga itong babae na 'to.

"Sige na, umuwi kana bago magdilim."

She kissed my cheeks bago nagpaalam, ganoon din kila Manang. Kinuha ko naman 'yung phone ko at tinignan kung may chat ba si William, pero wala.

"Pupunta raw." I pouted before I grabbed my milkshake at nanood nalang ng movie na kanina pa naka-pause.

William was visiting me these past few days pero kahapon hindi niya ako napuntahan, hindi naman nagchat kung bakit. Pero baka busy lang katulad nga ni Patrice.

Pakiramdam ko naman okay na 'ko, I need to go back to school now. Natatatakot lang ako na baka kapag wala si William sa tabi ko, at walang magliligtas sa 'kin. That night he saved my life, ganoon nalang 'yung comfort at ease ko noong dumating siya, I felt secured on his hugs.

Living With The Game (Living Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon