Chapter 15

10 3 0
                                    

"Shout out sa 'yo, Jeremy Ortega." Ani William habang tinitignan ang mga comments.

"Sino iba-ban? Helcurt or Natalia?" I asked while choosing between the two because I'm the one who will ban the last hero.

"Hc ban mo. Vince Borje, shout out sa 'yo". Aniya bago muling tumutok sa cellphone.

Matapos ang picking ay napatingin ako sa mga comments sa stream ni William. Bigla akong nahiya at medyo nagtago sa webcam dahil tinatanong nila kung jowa ba 'ko ni William. Natawa si William nang makita ang mga comments nila, agad niya akong hinila pabalik sa tabi niya.

"Girlfriend ko." Proud na aniya bago hinalikan ang gilid ng ulo ko.

Hindi niya ginamit ang gaming chair niya, couch ang ginamit niya para raw tabi kami.

"Nakakahiya." Bulong ko at natawa naman siya.

"May girlfriend na 'ko mga lods, wala niyo na 'ko i-add to cart." He said while laughing.

Muli akong napatingin sa mga comments at maraming dismayado kesyo raw sayang dahil may jowa na si William but others are congratulating him because of having a girlfriend now. Natawa nalang ako nang makabasa ako ng mga kantyaw ng ilan sa mga viewers.

Katulad nga ng nabanggit ni William kanina ay kasama namin ang ilan sa mga viewers niya including the guy we met earlier, well maliban sa isa naming kasama naligaw lang dahil kulang kami. Sayang dahil 5 man sana kami.

"Need help at bottom lane." I muttered, nakita ko naman sa map na papunta na sa 'kin si William nang maunahan ito nang isa naming kasama, which is 'yung hindi isa sa viewers niya.

"Back lane ka nalang." Biglang usal ko, talking to William.

[Team] Willow(Gusion): Alis, lods. Dito 'ko :)

My brows furrowed as I've read William's chat on our team. Tinignan ko siya pero naka-focus lang ito sa laro kaya ibinalik ko nalang din ang atensyon ko sa cellphone. Sunod-sunod na kantyaw na naman ang nabasa ko sa chat mula sa teammates namin.

"Akin 'to eh, ako dapat kasama nito, gano'n lang 'yon." Aniya sa tapat ng mic, kinurot ko naman siya nang mahina sa tagiliran.

"Baka makornihan mga viewers mo, ano ka ba." Natatawang usal ko.

Napatingin siya sa 'kin bago tumingin sa comments.

"Korni ba?" He asked.

Sunod-sunod namang nag-comments ang viewers na kesyo sweet, cheesy at sana all daw may jowa, sana all daw madamot. Natuwa naman ako dahil do'n.

Naka-ilang game kami ni William with his different viewers. Nakakatuwa lang dahil kahit papaano may bond kami ng viewers niya. Syempre I'm doing my best dahil more than 2k ang viewers niya. Lagi kong kasama si William sa lane, ewan ko ba rito sunod nang sunod. Kapag gagamit ako ng marksman, gagamit siya ng tank or support para raw magkasama kami. Kapag naman siya ang marksman ay pipilitin ako magsupport or tank.

Because of that we have 10 win streak in total. Instant rank up ako agad, ayos 'di ba. Easy buhat sa 'kin kasi hindi naman ako mabigat kasama, pfft! Nag-mvp pa nga ako sa isa naming game eh.

After playing, the viewers requested to do Q and A regarding our relationship. Sabi naman ni William ay ilang questions lang daw kaya pumayag na rin ako. Usually mga common questions lang like paano raw ako alagaan ni William, kung paano ako nito niligawan and bonding namin. I told them all about it and told them na hindi pa kami matagal ni William, pero sabi ni William ay close na naman kami before we confessed to each other so there's no difference.

"Saan kami nagkakilala?" Pagbabasa ni William sa comment. Lumingon muna ito sa 'kin bago muling humarap sa cam.

"Na-wrong sent siya sa 'kin, nagpapaalam maglaro ng ml." Mabilis na usal ko habang pinipigilang matawa. "Baka isa sa mga babae niya dapat 'yon kaso sa 'kin napunta 'yung message. Bakit nga ba sa 'kin napunta 'yon?" My brows furrowed as I looked at him.

Living With The Game (Living Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon