Chapter 18

8 2 0
                                    

"Why don't you enter a team? You're actually good in playing." I said before putting the tray on his table.

He was doing his live right now and I made a food for him, juice lang naman at pancakes. His mom helped me do it.

"Oh yeah regarding on that." He said before facing the monitor because the game already finished and it's victory.

"May nag-email sa 'kin noong isang araw, inviting me on their try out."

"Really?" Tanong ko bago tumabi sa kaniya sa couch. Hindi ako nakikita sa cam dahil sabi ko kanina ay ayaw ko magpakita. Kinuha ko 'yung plato ng pancakes 'tsaka nag-umpisahang subuan siya.

"Sweet ng girlfriend ko, mga lods." He proudly said while smiling.

"Umayos ka nga, tell them about it na." Usal ko bago isinubo sa kaniya ang nasa tinidor.

"Ayon nga 'no!" Biglang aniya bago humarap sa monitor. "May nag-email sa 'kin kung saan iniimbitahan ako para mag-try out sa team nila. The try out will actually start by next-next week. I know the team at alam kong kilala niyo rin ang team na 'yon. It's an opportunity so I accept the invitation. I have two weeks to do practice. Wish me luck, lods." He explained before looking at me. Ngumiti ito 'tsaka ibinuka ang bibig.

I pinch his cheek before giving him a pancake.

"Good luck for that." Usal ko bago sumubo rin ng pancake.

Nag-umpisa ulit itong maglaro kasama ang mga viewers. Natuwa naman ako sa mga comments sa live stream nito dahil puro congratulations about the invitation and good lucks. Natatawa rin ako sa ibang comments dahil gusto rin daw nila magpasubo ng pagkain sa 'kin.

"Why?" Tanong niya habang nakatingin pa rin sa screen ng phone.

"Look." I said as I scroll the mouse to look for the comments.

His brows furrowed, he was brushing his hair backwards using his hands before facing the cam.

"Bawal 'yon, lods. May laway ko na 'yung tinidor." Aniya bago muling sumandal sa couch dahil mag-uumpisa na 'yung laro.

Natawa nalang ako 'tsaka siya muling sinubuan. Kinuha ko naman 'yung 'tsaka siya pinainom bago tuluyang mag-umpisa 'yung laro.

Natapos ang live stream ni William at around 7 PM dahil kakain pa ito ng dinner. Babalik ito sa pag-live after that. Inaya ako nito na sa kanila na mag-dinner pero tumanggi ako dahil maaga ang uwi nila Papa at kailangan kasama ko silang kumain. And he said okay and that's better. Yes, I'm so proud of him because of that.

"Oh? Akala ko pa naman ay doon kana titira kila Willow eh."

Tinaasan ko ng kilay si Kuya nang maupo ako sa tabi niya.

"Who's Willow?" Tanong ni Mama.

"M-my friend, William." Sagot ko.

Mom knew William but she didn't know Willow. Yeah, because it's his ign in mobile legends.

"Your friend huh." Kuya sarcastically said before getting a plate.

Napalunok naman ako dahil do'n. Hindi pa nila alam ang tungkol sa 'min ni William but it's seems like Kuya smells it.

Nang dumating si Papa ay tinawag na rin namin sila Manang upang kumain. Kinamusta nila Mama ang pag-aaral ko, my quizzes are fine and also my performance. Kalusugan naman ang tinanong nila Mama kay Kuya, not his studies. Because he's a med student and he's studying so hard lately. Pansin ko naman lagi na sobrang tutok ni Kuya sa mga libro niya, madalas din ay late na ito mag-dinner at hindi sumasabay sa 'min kumain nila Manang sa tuwing late sila Mama umuwi. But in the end, Kuya said he's fine and he's doing well. Sana nga.

Living With The Game (Living Series #2)Where stories live. Discover now