Chapter 30

7 3 0
                                    

I was just listening to Nash while he was happily telling how he encountered William earlier in the cafeteria. Akala siguro nitong Nash na 'to natutuwa ako sa mga pinagsasabi niya, I'm being irritated to be honest. He told me earlier na grabe raw kung makatingin si William sa kanya kanina, the hell I care?

"Para akong lalamunin sa titig, does he even know me?"

"Aba malay ko." Usal ko 'tsaka ito inirapan habang nakatingin lang ito nang nakakaloko sa 'kin.

Nash stayed here in the Philippines after my parents' death. Although he stayed in New York for a little bit and went back here, may business naman sila rito kaya he volunteered to manage it and para na rin daw ma-check niya ako every now and then. Kahit nakakaubos ng pasensya minsan itong berdugo na 'to, I'm more than thankful for all his efforts to help me cope up. 

We spend a little more time to talk different things when Nash decided to go back to his work. Sinabi ko sa kanya na hindi ko na ito maihahatid sa labas or sa parking lot dahil kailangan na rin ako sa hall to check the new launch designs of our clothes. I fix my things before going and sa hindi inaasahan, nakasabay ko sa loob ng elevator ang buong team ni William and worst, he's beside me. Ilang beses ko ata pinatunog ang mga daliri ko using my thumb because I'm not comfortable with the atmosphere. 

Bahagya akong napausog at tumama kay William nang bahagya akong mabangga ng teammates nito.

"Hey." Pagsaway ni William sa mga ito na agad naman nag-sorry at pabulong na nagsisihan sa nangyari. 

Napalunok ako bago lumayo at nagbigay espasyo sa pagitan namin 'tsaka medyo tumango to thank him without even looking at him directly. 

Why am I even bowing at him? Responsibilidad niyang sawayin ang team niya 'no, tsk. Also why am I being so freaking holy eh ako may-ari ng kumpanya na 'to?

I cleared my throat before standing straight and glance at his team on my left side dahil medyo maiingay pa rin ang mga ito.

"Can you guys behave? You're not in your booth camp to act like kids." I told them at agad naman itong humingi ng tawad at tumahimik, hindi tuwad kanina na nagbulungan pa sila at nagsisihan. 

Sakto namang bumukas ang pinto ng elevator at agad naglabasan ang teammates ni William.

"I apologize for what happened." He stated before going out of the elevator.  

And that kinda made me feel guilty. Wait, what?! Agad kumunot ang noo ko at napataas ang isang kilay.

"Ma'am, ayos lang po ba kayo?" My secretary stated habang nakasilip sa elevator. I instantly shook my head before going out of the elevator. 

"Yes, of course." Usal ko bago naglakad at sumunod naman ito sa akin papasok ng hall.

I saw everyone's busy and Direct Bem immediately called me na agad ko namang nilapitan. Ipinakita nito sa akin ang mga new launch designs na hoodies and other shirts galing sa team ni Mr. Frano, ang fashion coordinator. After a short discussion with Direct Bem, kinausap naman nito si William, dahil siya pala ang nagha-handle sa Alienation Ph.

So siya pala 'yung binabanggit ni May na bagong nagha-handle sa Alienation Ph na gwapo raw. Tsk, gwapo ba 'yan? Mukhang salagubang. 

Bigla itong napatingin sa akin which I wasn't even expected na nakatingin pala ako sa kanya. I immediately rolled my eyes before approaching May. I told her that I'm going back to my office to do some work and she told me to manage everything here with Direct Bem. I stayed on my office working on some papers and other stuff before  I realized it is already near 8 o'clock in the evening. Kung hindi pa pumasok si May ay hindi ko na mamamalayan ang oras. Inayos ko na ang mga gamit sa lamesa ko at iba pang stuff before going. Habang palabas ng building ay kinuha ko na agad ang susi ng sasakyan ko. As I've reached the parking lot, agad ako pumasok sa sasakyan ko and started the engine. Iniatras ko ang sasakyan but I felt something weird kaya umabante ako para pakiramdaman ulit. As I felt the same, agad akong bumaba para tignan kung anong problema. At ayun, may problema nga. 

I sighed heavily nang makitang flat ang gulong ng sasakyan ko sa harapan. 

"Kaya pala parang ang weird ng takbo ng sasakyan kanina." Bulong ko nang maalala ang pagmamaneho ko kaninang umaga. 

Agad akong napahawak sa sintido ko habang nakatingin sa sasakyan ko. 

"Is there any problem?" 

Agad akong napalingon sa nagsalita at sa hindi inaasahan, it was William. Nakasandal sa pinto ng sasakyan nito habang magka-krus ang braso na nakaharap sa akin.

"N-Nothing," I stated before turning my glance at my car. As if naman makakaisip ako ng paraan para makauwi by just staring at it.

"Na-flat'tan ka?" He asked and I didn't bother answering him, "Buti nga." He then muttered that I clearly heard!

"What?" Kunot ang noo na usal ko nang lumingon ako sa kaniya. Hindi ako nito pinansin and went inside of his car. Namangha naman ako sa sasakyan nito dahil ngayon ko lang ito napansin. It is mustang gt 500 if I'm not mistaken and it is color dark blue. 

Napagitla ako nang bigla itong bumusina kaya kahit na hindi ko ito makita sa loob dahil sa tinted ang bintana, tinitigan ko pa rin ito nang masama habang paalis ito. Ibinalik ko naman ang pansin ko sa aking sasakyan na walang pag-asang maihatid ako ngayong gabi. I was about call Kuya Mitoy to fetch me pero naalala kong nagpaalam nga pala ito na may family outing sila ngayong week at isang linggo itong hindi available. I also tried to call Kuya and luckily sumagot ito.

"Yes, JL?" Usal nito sa kabilang linya.

"Na-flat kasi 'yung gulong ng sasakyan ko eh, wala rin si Kuya Mitoy, are you available to fetch me?"

"I'm sorry, I can't dahil ang daming pasyente eh."

"Okay, take care." I stated before hanging up. 

Sunod ko namang tinawagan si Nash pero hindi rin ito available for some reasons. Napabuntong hininga ako bago kinuha ang gamit ko sa sasakyan at napagdesisyonang mag-commute nalang. I really don't want to commute. I can't explain but I'm not that comfortable dahil sa nangyari sakin way back in college when a guy touched my legs and yeah William confront that guy, I don't really want to remember it though. And these past few years, ilang beses na akong na-harass and it became my trauma. After gathering all my stuff nag-umpisa na akong maglakad palabas ng company para pumunta sa sakayan, ilang metro ang layo mula rito sa territory ng company. Medyo tahimik na rin ang paligid, nakapatay na rin ang fountain sa main entrance. Although maliwanag ang daan dahil sa street lights, mas lalo pa itong lumiwanag nang biglang may humintong sasakyan sa gilid ko, at napahinto rin ako dahil do'n. 

My brows furrowed when I figured out it was William's car. 

"Get in." He coldly said, didn't even bother to look at me. 



Living With The Game (Living Series #2)Where stories live. Discover now