Chapter 35

5 4 0
                                    

Dumaan ang mga araw na sobrang busy and super tiring. Well gano'n talaga dahil kailangan natin kumita ng pera 'no. Sa sobrang busy ko ay hindi ko na rin na-check pa ang progress ng teams for sponsorship, pero nariyan naman si May to update me and the coordinators will be presenting everything once tapos na ang mga ito. Matapos ang last na encounter ko kay William ay hindi ko rin ito muling nakita or hindi na ulit nag-krus ang landas namin. Pero si Mateo naman ang madalas kong ma-encounter lalo na ngayong week dahil ngayong week ang schedule nila for photo shoot. Inaya pa ako nitong sumabay sa kaniya mag-lunch, kung minsan naman ay siya ang sumasabay sa amin ni May mag-lunch. However, there are times na tumatanggi ako dahil I'm not really comfortable. Nagtataka lang ako dahil hindi nito madalas kasama ang hawak nitong streamers eh siya ang manager. Well, siguro ay may mga gano'n talaga unlike William na halatang close sa team niya kahit pa halata ang pagka-strict nito. 

Today is the day kung saan ay aattend ako sa isang school dahil naimbitahan ako at si Mr. Frano  mag-judge. It's an honor of course kahit hindi naman na bago na may mag-invite sa amin for this kind of event. I decided to wear a white bubble sleeve vintage lace panel top and a skinny high waisted jeans partnered with white sandals. I also wear a light make up and some accessories. I took some of my necessary things before heading to the school. Gumamit nalang ako ng waze map and visible naman ang school dahil malapit lang sa kalsada. 

Nag-park na ako agad kung saan may bakanteng pwesto at  pumasok na ako sa nasabing school. Nauna si Mr. Frano rito kaya I messaged him that I'm here already. Sa labas palang ay rinig na ang malakas na sound system ng school and as I entered the school, napatingin ang ilan sa akin at dinig ko ang bulungan ng mga ito.

"Hindi ba siya 'yung CEO ng isang sikat na clothing company?"

"Oo, siya ata 'yon."

"Nabanggit ng isa sa subject teacher namin na in-invite siya ng school eh."

"I can't believe pumayag siya sa invitation."

"Hindi lang 'yon, pati 'yung sikat na designer ng company nila ay nandito."

Dinig kong usal ng ilang students sa quadrangle. Maya-maya lamang ay may mga lumapit na sa akin kung pwedi raw bang magpa-picture, and pumayag naman ako. May lumapit naman agad sa akin na teacher at pinagsabihan ang ilang students at para na rin i-assist ako sa isang room kung saan naroon ang mga guests. Agad ko naman nakita si Mr. Frano na nagbabasa ng magazine.

"You're early, Mr. Frano." Usal ko bago umupo sa katabi nitong upuan. 

"Yes, I guess." Natatawa namang usal nito. 

Nagkwentuhan lang kami saglit ni Mr. Frano regarding sa nasabing contest. It's like a fashion show and the materials ay depende sa participants. May time din ang mga designers to explain their materials, details of their design and their sketches. Well I guess magiging maganda ang event na ito. Galing iba't ibang school ang participants and dito sa school na ito ginanap ang event dahil malaki ang school. And if I'm not mistaken may iba pang event dito such as esports, singing contest, street dance competition and drum and lyre. 

At nag-umpisa na nga ang competetion, isa-isa na ring pinakilala ang mga guests. Agad namang ginanahan ang mga manonood lalo na at nandito si Mr. Frano. Tiyak na kakabahan at mas magiging competitive ang mga contestants. As the event starts, talagang makikita kung paano ka-creative ang mga models suot ang damit ng kanilang designers. 

"That one is kinda unique." Bulong sa akin ni Mr. Frano. 

"Who?" I asked while scanning the candidates.

"Number 7." He then stated before writing something on his notes.

Agad ko namang tinignan ang candidate number 7. Tama nga si Mr. Frano, kakaiba ang design nito compare sa iba. I bet mas maganda pa ito kapag gabi dahil sa smoky color ng dress. 

Dumating na ang part kung saan ay isa-isang ipapakilala ang mga designers at kanila itong ie-explain ang kanilang mga designs even the mterials. Upon showing their works, some of them didn't bit the reality of their sketches. Maganda ang sketch or ang drawing nila, however may hindi nakuhang part when it comes to the actual design. Ang ilan naman ay  kulang ang nasa sketch pero sobra-sobra na ang details sa actual design. 

"The sketch should match the actual design." Usal ni Mr. Frano.

"I agree dahil malaki ang puntos n'on." Dagdag ko naman dahil 50% ang points when it comes to accuracy of designs to actual dress. 

Napatingin ako kay Mr. Frano as he leaned on the table and seems like scanning properly the design of the next designer. I also focus on the design that the designer's showing and turning my eyes on the actual dress. 

"This is so accurate." Mr. Frano stated. 

And yes, ang accurate nga. 'Yung design ay kay candidate number 7 na pala. 

"Pwedi bang makita ng mas malapitan?" He then said at lumapit naman ang designer at ang candidate. 

The details are very accurate, ang ganda din ng sketch nito dahil sobrang realistic, even the little details are included sa actual dress. I saw how the designer smiled like it is an honor to catch Mr. Frano's attention. Well, kahit naman ako ay matutuwa dahil sikat at magaling na designer talaga si Mr. Frano. 

The longer I look at the designer's face, the more I feel something like I know this girl. She looks familiar. 

"What is your name again?" Usal ko nang hindi itinatapat sa mic ang bibig ko dahil nasa harap lang naman namin ito.

"Hannah Jean Marinay po, Ms. Joanna." She then stated at nakangiting kumindat sa akin.

 And that when I realized, she's William's sister! Bakit sobrang liit ng mundo, my goodness. Regardless of being Wil's sister, I feel happy for her and proud. Parang dati lang ay panay tingin ito sa magazines, I didn't expect she's so talented. Plus, Mr. Frano really catch her design. Senior high school student na rin pala ito, it's been how many years since we met. 

Matapos ang part kung saan nagpaliwanag ang mga designers ay nagkaroon naman ng special number wherein may kumanta sa harap. I excused myself para mag-cr. Agad ko naman nahanap ang pinakamalapit na cr. Hinintay ko lang muna magkaroon ng vacant na cubicle at ng magkaroon ay papasok na sana ako nang lumapit sa aking bigla ang student na kalalabas lang sa cubicle na dapat ay papasukan ko.

"Ikaw si Ms. Joanna Tugafin po 'di ba? CEO ng sikat na clothing company?" Maliwanag ang mukha na usal nito.

"A-ah, yes ako nga" Usal ko 'tsaka ito nginitian.

She then asked me to take a picture with her and pumayag naman ako. After I take a picture with her ay nag-cr na rin ako agad and wash my hands before going back. Paglabas na paglabas ko ng cr ng girls ay bigla akong napatingin sa kanan ko dahil na rin sa pagsabay naming lumabas ng cr, and my eyes widened as I saw William. I sighed in disbelief before covering my face and instantly walk away. Bakit ba lagi nalang?!

Living With The Game (Living Series #2)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें