Chapter 13

11 4 0
                                    

"Oh, you're awake now, JL."

"Opo, Ma. Someone wakes me up." Sarkastikong usal ko bago inirapan si William.

Natawa naman si Mama bago nagpatuloy sa pagkain.

"Si Papa?" Tanong ko bago umupo.

"Upo ka, Hijo." Tinuro naman ni Mama ang upuan sa tabi ko. Pinanuod ko siyang umupo sa tabi ko bago ibinalik kay Mama ang paningin ko.

"Maaga pumasok ang Papa mo. Alam mo naman 'yon, kulang nalang ay mauna sa guard ng pang-umaga sa sobrang aga pumasok."

Uminom ako sa timpladong kape sa harap ko bago nagsimulang kumain. William keep on saying that he's the one who cooked our breakfast, natatawa nalang sila Mama at Manang sa kaniya. Even though Manang helped him cooked all of it.

"Yabang mo, nagpatulong kalang din naman kila Manang eh."

"Hindi, JL. Siya talaga nagluto niyan. Ako lang ang nag-hiwa at nag-prepare ng mga sangkap tapos siya na ang nagluto." Manang Tess defended, William was smirking as I turn my gaze on him, tuwang-tuwa ang loko.

"Okay." I shrugged before eating again.

Ilang sandali pa ay bumaba na si Kuya para kumain, halatang kagigising lang din. Nagulat pa ito nang makita si William pero natuwa rin hindi kalaunan. Ngayon ko lang nakita si Kuya na natuwa nang makitang may kasama akong lalaki rito sa bahay, unlike those guys that I've brought here before. Though I didn't bring William here, siya ang makapal ang mukha na pumunta rito para bulabugin ang umaga ko.

"One game tayo mamaya bago ako pumasok." Ani Kuya bago kumain.

Napairap ako dahil do'n. Nakaupo si Kuya sa upuang nasa tapat namin ni William, biglang kumunot ang noo niya 'tsaka kami takang tinignan.

"Why are you here this early pala, Wil?"

Sabay kaming napatingin ni William sa isa't isa, parehas hindi alam kung anong sasabihin.

"A-ahm... inaya ko si Joanna mag-laro, para makatapak na sa mythic."

"Yown! Sakto! Sali ako ah,"

Then they talk about mobile legends now.

I felt disappointed because of that, and also sadness. Ayaw namin pareho ilaglag ang mga sarili namin pero kasi sabi niya sa 'kin kanina ay miss niya ko! He didn't even look at me to apologize by just looking into my eyes.

Tsk, why am I being so childish now?

Matapos kumain ay pumasok na si Mama sa trabaho, si Kuya naman ay umakyat para maligo. Tahimik lang kami ni William na nakaupo sa sofa habang nanonood. Nasa magkabilang dulo kami ng sofa, nagulat pa siya kanina nang lumayo ako at hindi umupo sa tabi niya pero hindi ko siya pinansin.

"Psst." Aniya nang lingunin niya ako.

Hindi ko siya pinansin at nakatutok lang sa pinanonood. Tuluyan ako nitong hinarap at nag-indian sit sa direksyon ko.

"Hoy."

"Ano?" Naiirita at mabilis na usal ko, bahagya pa itong nagulat sa biglang pagtaas ng boses ko.

"Nyare sa 'yo? Galit na galit ka? Meron kaba ngayon?" Natatawang aniya.

Mas lalo namang uminit ang ulo ko dahil do'n. Inirapan ko ito bago muling itinuon ang pansin sa TV. I heard him sighed before he went beside me.

"Lumayo ka sa 'kin baka masapak kita." Usal ko nang hindi siya nililingon, he hugged me sideways instead. Pinatong nito ang baba sa balikat ko 'tsaka ako tinitigan.

Living With The Game (Living Series #2)Where stories live. Discover now