Chapter 6

14 7 0
                                    

The whole week was actually a normal college week. Puro nga lang quizzes at medyo nakaka-stress dahil parang exam na 'yung quizzes ng mga professors. Me and Patrice were actually eating our lunch together with William's friends. Hindi naman araw-araw pero madalas, dahil minsan ay late kami ni Patrice kumain ng lunch dahil tumatambay pa muna kami sa library kahit ilang minuto.

Today is saturday, papunta na 'ko sa milktea shop kung saan hinihintay na ako ni William, wala naman daw siyang gagawin ngayon kaya napa-aga ang punta niya ro'n. Biruin mo? Alas-kwatro pa 'yung start ng laro tapos alas-dos ay nasa milktea shop na siya?

Nang makarating ako ay agad ko siyang nakita, nakaupo mag-isa tapos naglalaro.

"In game ka, lods?" I asked nang makaupo ako sa harap niya, medyo nagulat pa ito sa pagdating ko.

"Hmm." He simply answered na nakatutok na agad sa cellphone niya.

"Tawag ako, lods?"

"Subukan mo, kotong ka sa 'kin."

Natawa ako dahil puno ng pagbabanta ang boses niya. I grabbed his milktea and took a sip on it.

"Anong flavor 'to? Sarap ah?" I asked before scanning the cup. "Taro,"

Ibabalik ko na sana 'yon at bibili ako para sa 'kin nang magsalita ito.

"Sa 'yo na." Aniya nang hindi nakatingin sa 'kin. "Takte." At nilapag nito ang phone sa mesa. Na-deads siya ih.

"Pikon mo naman, napatay ka lang eh." Usal ko habang kinakagat 'yung straw ng milktea.

"Bobo ng kasama." Napasandal ito sa upuan at ilang sandali lang ay nakarinig kami ng 'Defeat' mula sa phone niya.

Gusto ko sanang matawa dahil sa itsura nito pero uminom nalang ako ng milktea para mapigilan 'yon.

"Don't you dare laugh at me,"

"Hindi naman ah?"

"Yeah, but you were about to." He looked at me blankly so I gestured zipping my mouth. "Tara laro, 1v1." Biglang aniya bago kinuha muli ang phone niya.

"Ayoko nga, pikon ka eh, baka sa 'kin mo ibuhos galit mo. Durugin mo pa 'ko." I rolled my eyes before putting down the milktea and crossed my arms over my chest.

"Hindi, promise."

Ibinalik ko ang tingin sa kaniya na ngayon ay nakangiti na.

"Anong role?"

I asked before opening my mobile legends.

"Ano ba 'yan! Wait lang naman, nagke-claim palang ako eh." Inis na usal ko nang bumungad ang invitation nito, in-accept ko nalang ito para makapag-umpisa na.

"Anong role?" He asked.

"Support?"

"Okay!"

We started picking our heroes. He picked Nana and I picked Kaja. Ipinaliwanag nito ang rules, nakinig lang ako at tumango-tango kahit alam ko na ang mga 'yon. Walang push at minions lang. Binili ko agad 'yung wooden mask at nag-umpisang mag-farm. Ilang sandali pa ay nagkasalubong kami sa mid lane, hinagisan ako ng alaga ni Nana, natawa pa ito nang makita ang naging itsura ng hero ko nang mahabol ako no'n.

"Mamaya ka sa 'kin, kita mo." I muttered.

Kinuha ko muna 'yung buff ko at nagtago sa bush. I saw him hitting my minions inside my tower. Agad akong lumabas at nag-ulti 'tsaka ito hinila papasok sa tower ko hanggang sa mamatay ito. Dahil may passive itong Nana na 'to, nag-flicker ko at nag-first skill.

Living With The Game (Living Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon