Chapter 36

6 4 0
                                    

Nang makabalik ako ay hindi ko naman inaasahang masasalubong ko ang kapwa ko judge sa contest. Para pa itong nagmamadali at parang balisa nang masalubong ako, I saw her putting some money on her pouch. Kumunot naman ang noo ko because she's acting weird, hindi ko naman kukunin ang pera niya. Nakita ko ang paglunok nito bago dali-daling umalis. Hindi ko nalang ito pinansin at naglakad nalang nang mapansing nakatingin sa direksyon ko ang isang babae mula sa isang room na tila ba nag-aalala. Nang tignan ko ito ay kaagad naman siyang umalis. 

Ang weird ng mga tao ngayon. 

I was about to go back sa main event nang mapagtantong room pala ng mga contestants ang pinanggalingan ng babae. Pakiramdam ko ay may hindi tama. I immediately went back to restroom dahil sigurado akong doon lang naman sure na pupunta yung nasalubong ko. I was about to go inside nang marinig ko ang malakas na boses nito na tila ba may kausap sa cellphone. 

"Tingin mo nakita at nahalata niya? Sana naman hindi niya nakita." Dinig kong usal nito. 

Are they talking about me?

"Opo, Ms. Dela Cruz mananalo po ang anak ninyo sisiguraduhin po namin 'yan. Mananalo ang design ng anak niyo for sure. I-eechepwerahin natin si Number 7." 

My jaw dropped as she said that. Seriously? What is happening? Is this sulsol?

"Hey! What are you doing?" 

Nanlaki ang mata ko sa gulat 'tsaka dali-dali tumakbo papasok sa cr ng mga lalaki sa takot na lumabas ang kapwa ko judge mula sa cr dahil panigurado ay narinig niya rin ang nagsalita. 

"Ikaw, what do you think you're doing? Can't you mind your own business?" Pabulong ngunit inis na usal ko sa kaniya. 

"Mukha kang ewan sa pwesto mo, okay?" Usal naman nito bago tinapon ang yosi nito.

"N-nand'yan pa ba?" Biglang usal ko na agad naman siyang napatingin sa 'kin.

"Who?" He then said before looking around.

"I mean, babae na may ka-call, nand'yan pa ba siya?"

"You mean this girl in front of girl's restroom?" 

Tumango-tango naman ako. 

"Nand'yan pa rin, she's like looking for someone. Is she looking for you?" 

"Maybe—"

"Are you looking for someone?" Malakas na tanong nito dahilan para hilain ko ito papasok sa cr mismo ng boys.

"What the hell are you doing?!" Singhal ko at agad na napahinto nang mapagtantong magkalapit lang kami sa isa't isa. 

Hindi ko alam kung dahil ba sa kaba dahil nag-uunahan na ngayon sa pagtibok ang puso ko. We're both looking into each other's eyes now. I immediately cleared my throat before looking away.

"I'm s-sorry. I was just running away dahil baka makita niya ako." 

"I-It's fine. Umalis na rin naman siya." Usal naman nito at sabay kaming umatras upang magbigay espasyo sa pagitan naming dalawa. 

Nang mapagtantong nasa loob nga pala ako ng cr ng boys ay agad akong lumabas at aalis na sana nang maalala ang usapan ng isang judge at kausap nito sa phone. 

"By the way," Usal ko na agad naman siyang napatingin. "Hannah is your sister, right?" 

He bit his lower lip before scratching his brow. "Yes, why?"

"Aware ka naman sigurong kasali ang kapatid mo sa fashion contest, right?" Dagdag ko pa at tumango naman ito at nagtanong kung bakit bago nagpamusla.

"The girl you saw earlier is one of the judges, including me. Nasalubong ko siya kanina at napansing naglalagay ng pera sa purse niya—"

Living With The Game (Living Series #2)Where stories live. Discover now