Chapter 7

12 7 0
                                    

Kumunot ang noo ko nang maramdaman ang sinag ng araw bago marahang nagmulat ng mata. Napahawak ako sa sintido ko nang bigla iyong kumirot. Marahan akong umupo bago nilibot ng paningin ang kwarto. Nang mapagtantong wala ako sa kwarto ni Patrice ay agad akong napamulagat.

"Oh, gising kana pala." Sakto namang pumasok si William, naka-jogger pants lang ito at walang pang-itaas. Wala itong abs pero ang ganda ng pagka-flat ng tyan niya. "Breakfast is ready. Maligo ka muna bago ka bumaba." Binuksan nito ang cabinet 'tsaka naglapag sa kama ng sweat short at white t-shirt na halata namang maluwag sa 'kin. "Hiramin mo muna 'yan, madamot 'yung kapatid ko at ayaw magpahiram ng damit."

"I don't have undies." Tinaasan ko ito ng kilay. May kinuha itong box sa cabinet at hinagis sa 'kin, nasalo ko naman ito agad. "What's this? A gift?" Tanong ko dahil halatang pang-regalo ito.

"Regalo ko sana sa ex-girlfriend ko dati, kaso nagbreak kami. That's underwear, you can wear it."

Ang praktikal naman nitong lalaki na 'to mag-regalo.

Hindi na 'ko nag-inarte at pumasok na sa banyo at naligo. After a couple of minutes bumaba na rin ako, naabutan ko itong kumakain na at walang kasama.

"Where's your family?" I asked bago naghila ng upuan.

"Nagsimba. Kumain kana." Aniya bago tinuro ang nakahandang pagkain sa harap ko, may kape pa. Sana all masipag mag-prepare ng breakfast.

"Bakit hindi ka kasama?"

"Kung sumama ako, sinong maiiwan dito kasama ka? 'Di ba wala? Lasing ka pa ba, lods?" Aniya bago ako inambangan ng kotong.

Oo nga naman, may point nga naman siya.

"Sabi ko nga wala." I agreed before sipping on my coffee. Agad nanlaki ang mata ko nang malasahan ang timpla na gusto ko. "This is perfect! Ganitong timpla 'yung gusto ko!" I pointed on my coffee cup while looking at him with so much amusement.

"Really?" Manghang aniya. "Tikman mo rin 'yan, ako rin nagluto niyan, dali!" He gestured my food at agad ko namang tinikman 'yon. It's just an omelette and fried rice, pero dahil masarap magluto ng gano'n si Manang Tess ay alam ko kung ano dapat ang lasa nito.

Agad kong tinikman ang pagkain sa harap ko at mabilis na tumingin kay William 'tsaka binigyan ito ng thumb's up.

"Masarap?" Maliwanag ang mukhang tanong niya at tumango naman ako.

"Sana all marunong magluto!" Pagmamaktol ko bago muling kumain. "Sige na, pwedi kana mag-asawa." Dagdag ko pa.

"Ikaw na asawahin ko since nandito ka naman sa pamamahay ko."

Halos mabilaukan ako sa sinabi nito. Kinuha ko agad 'yung kape at ininom 'yon, napaso naman agad 'yung dila ko dahil mainit. Kinuha ko nalang 'yung tubig na inabot niya.

"Ano ba 'yan, dahan-dahan naman kasi, Joanna." Natatawang aniya habang pinapanood ako. "Nabibilaukan ka agad, nagbibiro lang eh."

"Nagulat lang ako 'no!" I defended before eating again.

Natawa nalang ito bago kami nagpatuloy sa pagkain.

"May gagawin kaba ngayon?" Biglang tanong niya 'tsaka tumingin sa 'kin habang may nginunguya pa.

"Wala naman. Ikaw?"

"Wala. Gusto mo gumala? Gala tayo!" Tila excited  na aniya.

"Saan tayo gagala aber?"

"Sa mall! Laro tayo do'n, kumain, basta ayoko lang ma-bored ngayong araw. Ayoko muna magbabad sa ml." 

"Naks, ba't hindi mo yayain sila Andrea 'no? Ako pa papagurin mo." I said sarcastically before eating a spoonful of my food.

Living With The Game (Living Series #2)Where stories live. Discover now