Chapter 44

2 4 0
                                    

I stretch my arms as I finished doing my homework as well as reviewing our topic earlier. Well, I wasn't even listening that much during the discussion dahil inaantok ako.

"Wil, 'nak! Kakain na!" Sigaw ni Mama mula sa baba.

"Opo, Bababa na!" I shouted before fixing my study table and went downstairs. 

"Musta naman ang pag-aaral mo, Wil?" 

Tanong ni Mama na siyang nagsasandok ng kanin. 

"Ayos naman po. Kakatapos ko lang actually gumawa ng ilang school works at review ng lesson."

"Mabuti naman. Akala ko ay panay ka laro ng LOL, Dota or ML eh."

Sambit naman ni Ate. 

Kahit naman panay ako computer and online games ay hindi ko pinababayaan ang pag-aaral ko 'no. Tamad lang talaga ako makinig minsan sa klase pero inaaral ko naman 'yung lesson pag-uwi ko. 

Matapos kong kumain ay umakyat na akong muli sa kwarto ko. Dahil pagod ako ngayong araw, hindi na muna ako magla-live. Pabagsak akong humiga sa kama ko 'tsaka inabot ang cellphone ko na nasa side table at agad nag-message sa babaeng ka-fling ko as of the moment na maglalaro lang ako ng ml at pumayag naman ito agad. Well, I just met her in the club the other day and it turns out na we're in the same university. 

I was about to open my mobile legends app when an unfamiliar girl's chat head popped on my screen. 

Joanna Tugafin: Care to explain paano mo 'ko naging mahal? :)

And that's where I realized, I'm chatting a different girl! I didn't even noticed we don't have a single conversation. Kakamadali at atat kong makapag-laro hindi ko man lang napansin na ibang tao na pala ang kausap ko. And I don't even know why did I even asked who is she where in fact I was the one who chatted her first. 

Joanna Tugafin: Ikaw, lods? Sino ka at bakit mo 'ko love?

Tila nang-aasar pang usal nito at wala na akong ibang nai-reply kung 'di ang mapamura sa kahihiyang nagawa ko. Hindi ko na alam ang gagawin ko kaya ibinalik ko nalang ang cellphone ko sa side table at natulog. 


"Kuya! Gising na raw at anong oras na!" 

Kumunot ang noo ko dahil sa lakas ng boses ni Hannah at sa lakas ng pagkatok nito sa pinto ng kwarto ko.

"Babangon na!" Sigaw ko kahit antok na antok pa para lang manahimik ito. 

I looked at the wall clock of my room and it's already 12 o'clock in the afternoon. Dahil manonood ako ng Mobile Legends Tournament ngayon ay bumangon na ako agad para mag-asikaso at bumaba para kumain. At ayon na nga at nasermonan na naman tayo ng aking mother dahil tanghali na akong nagising. Wala naman akong pasok ngayon eh, ewan ko ba rito kay Mama. 

Tamang scroll lang ako sa social media nang biglang tumunog ang notification ko. At first, I didn't bother checking it but then, maya't maya naman ito tumutunog kaya agad ko na tinignan ang notification ko. I don't know why but as I see her name, I smiled and end up chatting her.

[Hindi naman halatang ini-stalk mo 'ko ano?]

As I send it I really wanted to laugh out loud kaso lang puno ang bibig ko ng kanin. 

"Ngiting-ngiti ka ah. Kilig 'yan?" Pang-aasar ni Ate na kumuha ng tubig mula sa ref. 

Agad naman akong umayos at nagpatuloy na sa pagkain. But then, I stalked her... carefully. Hindi katulad niya halatang nang-i-stalk eh. As I check her profile, tinignan ko agad ang story nito at nalamang naglalaro rin pala ito ng mobile legend at Legend na ang rank. Marahan akong tumango bago tinignan naman ang profile picture nito. Well, I would say she's beautiful... I mean gorgeous. I bit my lower lip as I saw that we're in the same University. And came up on this thought that I wanna meet her. 

Living With The Game (Living Series #2)Where stories live. Discover now