Chapter 1

51 13 0
                                    

Disclaimer: This is a work of fiction, names, characters, business names, places, events and incidents in this book are either the product of author's imaginations or used in fictitious manners. Any resemblance to actual person, living or dead, or actual events and places is purely coincidence.

Ps. This story is not yet edited I'm sorry in advance for some typographical and grammatical errors :)
Also, some scenes/chapters has a mature content that may not be suitable for young audiences.

Enjoy!

_________________________________________

"Hoy, laban ng Bren Esports at Cignal Ultra bukas, samahan mo naman ako manood." I told her before sitting on a vacant table here at cafeteria.

"Ano ba, Joanna? Pinagbigyan na nga kita sa Sunsparks saka doon sa ano eh, anong team ba 'yon?"

"Onic Ph," I answered at umirap naman ito.

"Whatever, basta 'yon. Wala naman akong alam d'yan. I'm a supportive friend of yours before in terms of that, sorry na pero ayokong magmukhang ewan do'n. Like, todo sigaw at cheer ka tapos ako hindi alam 'yung nangyayari just like what happened last game." She sipped on her tea before biting on her sandwich.

Sumimangot nalang ako. She has a point.

"Okay fine, I understand."

"I'm not a game lover, that's why."

"Oo na nga,"

Kumain nalang kami bago muling pumasok. Pumasok na rin agad 'yung prof namin sa english at mabilis na nag-discuss. Tinuloy lang 'yung discussion kahapon kaya mabilis din natapos 'tsaka nagpa-quiz tapos ayon, tapos na. Ang bilis 'di ba? Well, ganoon talaga kapag ine-enjoy mo 'yung moment, favorite subject ko eh.

At mula paglabas ni prof ay kanina pa kwento nang kwento itong si Patrice, parang hindi nauubusan ng kwento eh.

"You know Leo?"

"The varsity team captain?" Taas ang isang kilay na tanong ko. She giggled before slapping my arm. "Aray naman,"

"Sorry na! Crush ko kasi 'yon and guess what? Kinawayan niya ako kanina!"

Napailing nalang ako habang todo kwento ito sa mga kaharutan niya. Hindi naman halatang patay na patay ito kay Leo. Ang sarap lang sabihin na madalas ko itong makitang kumakaway kung kani-kanino. Wala talaga akong tiwala sa mga varsity players e. Duda ako sa kupal na 'yon e. Noong nakaraan lang kitang-kita ko kung paano nito kindatan 'yung mga freshman.

Thirty minutes na ang nakalilipas pero wala pa rin si prof, kaya ending? Hinila na naman ako ni Patrice na lumabas, feeling ko rin naman ay hindi na papasok si prof. Ganoon naman 'yon kapag late ng almost thirty minutes ay hindi na talaga papasok kaya ang iba umuuwi na. Pero kami ni Pat? Heto at nasa kanto kumakain ng fish ball.

"Grabe! Sarap talaga nito!" Aniya habang puno ng fish ball ang bibig.

"Dahan-dahan naman, Pat. Mabulunan ka niyan e." I said before wiping the sauce on her cheek.

"Sweet talaga ng besty ko!"

"Oo kaya samahan mo na ko bukas,"

"No no no." Agad itong umiling.

Okay, hindi ko nga talaga ito mapipilit. Kumain nalang ako nang kumain, masarap naman kasi talaga lalo na 'yung sauce na gawa ni kuyang vendor, solid.

After namin kumain ay umuwi na rin kami agad, magkaiba kami ng way kaya magkaibang bus kami ng sinakyan pauwi.

"Tower lock, tol."

Bungad na bungad naman talaga boses ni kuya, lagi nalang.

"Kuya, sali ako!" Agad akong umupo sa tabi niya at nilagay ang bag sa kabilang sofa. "Kuya, next game sali ako ah?"

Living With The Game (Living Series #2)Where stories live. Discover now