Epilogue

5 4 0
                                    

After a great victory party night at Alienation Ph booth camp, umuwi na rin kami ni Wil dahil maaga pa ang pasok ko for tomorrow. I took a shower before going to bed, at sakto namang tumunog ang phone ko dahil tumawag si Wil.

"How's your day?" Nakangiting usal ko nang sagutin ko ang video call.

"I'm good, happy. Ikaw?" Sagot ko habang inaayos ang unan ko bago tuluyang humiga.

"Masaya syempre, ikaw ba naman kasama ko eh."

Napangiti naman ako sa sinabi niya.

"By the way, do you have any plan for tomorrow aside of going to work all day?" He then asked.

"Wala naman, nasa office lang ako maghapon. Why?"

"Would you mind if I ask you for a date?"

"Of course! Ilalagay ko 'yan sa schedule ko for tomorrow. My door is wide open for you, 'no ka ba."

After a few minutes of talking, we decided to go for sleep. I put back my phone on top of my side table before finally going to bed for sleep.


Kinabukasan, as usual sinundo na naman ako ni Wil dito sa unit ko para ihatid. I'm not yet done getting ready to be honest, ang aga naman kasi nito ni Wil.

"Nag-aayos pa ako eh, ang aga mo naman." Natatawang usal ko, hindi kami sabay nag-breakfast dahil medyo late na rin nagising at medyo maaga lang siya nang kaunti sa akin.

"Have you eaten?" He asked before sitting on the sofa.

"Coffee and nagluto ako ng pancake, ikaw ba?" Balik tanong ko habang naglalagay ng earrings sa harap nito.

Tumingala naman ito sa 'kin bago hinawakan ang magkabilang beywang ko at tumayo.

"Mm. Nagluto ako ng silog." He answered while watching me put my earrings.

"Buti at may naisangag ka?" Kunot ang noo na tanong ko dahil as far as I remember hindi naman siya umuwi para kumain or what, in short wala siyang bahaw na kanin.

"Nagsaing ako tapos sinangag ko."

My jaw dropped as he answered.

"Seriously? Bagong saing na kanin isasangag mo?" Pigil ang tawa na usal ko.

Kung mama lang ako nito malamang nabatukan ko na 'to.

"I want fried rice, okay? Wala akong choice." At natawa rin siya sa sarili niyang kagagawan.

After preparing, umalis na rin kami ni Wil at hinatid ako mismo sa office ko.

Naging comfortable na rin naman sa mata ng employees dito sa office ang sitwasyon namin ni Wil. Nang tuluyang makapasok sa office ko ay dumating naman si May. Tumango si Wil sa kaniya at ganun din naman si May.

"Pinabibigay po ni Sir Nash." She then lend me a paper bag that surely has a cookies in it made by Nash.

"Thank you." Usal ko 'tsaka ito lumabas ng office ko.

I pursed my lips as I felt William's looking at me so serious. Humarap ako sa kaniya pero nanatili lang itong nakatingin sa akin.

"Chill, okay?" I put down the paper bag of cookies on top of my table while holding his hands.

Bigla naman itong bumitaw at binuksan ang paper bag 'tsaka siya kumuha ng isa. I just crossed my arms over my chest to watch him. Una ay inamoy niya 'yon at tumango-tango, sumunod ay kumagat na ito.

I was just watching him and waiting for his comment about the cookies made by Nash.

"What do you think?" Tanong ko nang maubos nito ang isa.

Living With The Game (Living Series #2)Where stories live. Discover now