Chapter 16

8 2 0
                                    

"Tagal naman nila." Halatang inip na usal ni Patrice habang kumakain ng fishball.

"Eh malay mo may ginagawa pa, ata ka girl."

We're currently here at usually spot after class. Hinihintay sila William dahil birthday niya ngayon, inuman lang naman ang meron since ayaw niyang mapagastos pa sa pagkain, alak na alak lagi eh.

Nang matanaw na parating na sila William agad akong napatalikod at binilisan ang pagkain matapos no'n ay inilabas ko ang cellphone ko, kunware busy ako.

It's been a week since the night with William, sobrang mahihiya na 'ko matapos no'n. Feeling ko hindi na 'ko virgin! Hindi ko alam kung napapansin niya 'yung pag-iwas ko pero sabay naman kami umuwi at kumain, pero usually ang tahimik ko. Hindi ko alam kung paano kikilos lalo na sa tuwing naaalala ko 'yung nangyari sa 'min!

"Hi."

"Hay kabayo!"

Napahawak ako sa dibdib ko sa gulat nang magsalita si William sa tabi ko. Nagulat pa siya nang magulat ako.

"S-sorry," mahinang usal ko bago muling tumutok sa cellphone.

"Gusto mo?"

Napatingin ako sa hawak niya, inaalok ako ng fishball eh kakatapos ko lang kumain.

"Kakatapos ko lang." Tumingala ako 'tsaka siya nginitian bago muling humarap sa cellphone ko.

"Aah, anong ginagawa mo?" Aniya, ramdam kong sumisilip ito sa screen ng cellphone ko kaya naman bahagya akong lumayo.

"Instagram." Maikling usal ko.

Ilang sandali pa ay tinawag na kami ni Patrice, nauna akong naglakad kay William at lumapit kay Patrice. Sumunod naman sila nang pumara kami ng bus. I sat beside Patrice while the others are sitting on the other side of the bus, by two's.
Katabi ni William si Andrea at si William ang nasa tapat ko ngayon in between the way. Nangingibabaw ang ingay nila Marielle at Ewald dahil nag-aasaran na naman ang dalawa.

"Hoy, babae."

"Bakit?" Agad na tanong ko nang bumulong si Patrice sa tainga ko.

"Nag-away kayo?" She asked, talking about William probably.

"H-ha? H-hindi." I bit my lower lip before swallowing so hard.

Ayokong sabihin kay Patrice, kahit na maharot 'to ay alam kong hindi siya kumportable sa ganoong usapan.

"Eh bakit ganiyan kayong dalawa? Mahigit isang linggo na kayong ganiyan, akala niyo ba hindi namin napapansin?" Humalukipkip ito bago napailing.

Napayuko nalang ako bago napasulyap sa side ni William, nakatingin ito sa 'kin at ngumiti nang magtama ang paningin naming dalawa. I sighed when I saw his smile, halatang malungkot. Nginitan ko nalang din ito bago napasandal sa upuan ko at tumingin sa harapan.

Eh bakit naman kasi ginawa niya 'yon? Hindi ko tuloy alam kung paano kikilos ulit nang normal sa harap niya like, he did that to me! Paano ako kikilos nang normal?!

Nang makarating kami ay binati namin ang parents nito na nasa sala at nanonood, dalawa lang silang magkapatid which is ang Kuya nito ay si Patrice. Usually wala rito ang Kuya niya at may sariling condo malapit sa kumpanya nila Vincent kung saan ito nagtatrabaho. Umakyat muna si Patrice para magbihis, pinangunahan ko namang pumunta sa kusina at sumunod naman sila William. May nakita akong dalawang case ng beer, dalawang cuervo, isang bacardi at isang black label. Napalunok ako dahil do'n.

Grabe uhaw sa alak 'tong si Patrice. Sinamantala since walang pasok bukas ah.

"Hoy, sa 'min 'yung isang cuervo." Natawa naman ako nang biglang kunin ni Tito 'yung isang bote nito. Niyakap pa niya 'yon na para bang pino-protektahan laban sa 'min.

Living With The Game (Living Series #2)Where stories live. Discover now