Chapter 2

36 8 0
                                    

"You sure you're not coming, anak?"

"Opo, Ma. May papanoorin akong game mamaya e."

"Who's with you then?"

"Ako lang. Ayaw akong samahan ni Patrice," I made a sad face and mom just laughed on me.

"Magkasundo kayo sa lahat, sa mobile legends lang hindi."

"Willing naman akong turuan siya eh, ayaw niya lang talaga."

"Baka hindi niya lang talaga trip."

Napangiwi nalang ako bago muling humarap sa TV. Nagpaalam naman ito na aalis na. Basically, ako lang ang narito ngayon maliban sa mga maids. Si Kuya ay nasa school, si Papa at Mama, ayon may fashion show na pupuntahan. Gusto ko sanang sumama, eh may game mamaya at ayaw kong palampasin 'yon. Bren Esports 'yung maglalaro e.

Habang nanonood, biglang pumasok sa isip ko 'yung William na nakausap ko kagabi. Natawa na naman ako, mabuti nalang walang tao sa paligid. I grabbed my phone and immediately check his profile. Hindi ko alam kung paano ko ba ito naging friend sa facebook, mutual friends naman sila ni Patrice at ng iba ko pang kaklase. Ibig sabihin nasa iisang university lang kami gano'n?

William Marinay
ml: willow
ig: @marinaywil

Followed by 9,078 people
4,645 friends

Grabe, famous ba 'to? Bakit hindi ko kilala? Charot!

"Oh, streamer," I said nang makita ang ibang mga shared stream nito galing sa 'Willow Gaming' na page. Pero hindi naman ata full time streamer, I checked his page and it has 25k followers. Then the rest of his posts are shared memes about mobile legends. Natatawa naman ako sa mga memes na nakikita ko. Bahala na kung pagkamalan akong baliw dito.

Upon scrolling, a chat head suddenly pop again on my screen. At siya na naman.

William Marinay: Hindi naman halatang ini-stalk mo 'ko ano?

Agad namilog ang mata ko at tinignan ang screen, nag-scroll at napasapo sa ulo nang makitang nasa profile niya pa rin pala ako.

"How careless, Joanna!" I said in gritted teeth. I immediately press the back button and close his chat head.

"Ayos ka lang ba, ineng?"

"P-po? Opo, ayos lang." Ilang tango ang nagawa ko nang biglang sumulpot si Manang Tess sa harap ko na may dalang walis.

"Akala ko kung ano na nangyayari sa 'yo eh."

Napakamot nalang ako sa batok bago nagpaalam na aakyat na. Ilang beses kong inalog 'yung ulo ko habang naliligo para lang mawala sa isip ko 'yung kahihiyan na ginawa ko kanina. Akala ko nasa news feed ako, nasa profile pa rin pala niya. Well, hindi na 'ko nag-reply pa, oo na guilty na 'ko pero ayoko lang umamin, eh kung alam niya naman ay hindi na sana siya nagchat pa. Baka mamaya sobrang taas na ng confidence niya kasi may nang-stalk sa kaniya. May mga ganoon pa namang lalaki, akala mo sobrang gwapo na nila kapag ini-stalk sila or kapag tinititigan sila. Though, gwapo naman siya, pero hays!

"Ano ba 'yan, Joanna! Umayos ka nga!" I pointed myself in front of the before shaking my head again.

Nagbabad pa 'ko sa shower ng ilang minuto bago lumabas at nagbihis. I'm wearing the Bren's shirt partnered with maong shorts. I tied my long wavy hair and applied lip tint before going. Sumakay ako ng tricycle palabas ng subdivision bago sumakay sa bus papunta sa event center. Wala si Kuya kaya wala akong driver, may pasok e.

May thirty minutes pa naman before mag-umpisa 'yung game kaya dumaan muna ako sa isang milktea shop malapit sa event center. Nag-order ako ng macha flavored milktea at isang slice ng chocolate flavored cake. Wala masyadong tao sa shop kaya medyo peaceful ang paligid. I use the fork and start eating my food, sakto namang tumunog ang bell ng shop kaya hindi ko maiwasang ma-distract at mapatingin.

Living With The Game (Living Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon