Chapter 3

26 8 0
                                    

"Kuya, ano ba 'to? I can't understand your penmanship!" Inis na tanong ko kay Kuya sa kabilang linya.

Wala naman akong ginagawa ngayong araw so I decided to go in the book store and buy some pens and other supplies na paubos na sa 'kin. Itong si Kuya naman, hindi na nga ako hinatid ay nagpasabay pa na bumili ng libro tapos bawas pa sa pera ko, babayaran niya nalang daw. Duda rin ako sa kupal na 'yon eh.

(And So Can You by Dr. Roopleen, goodness JL. Cursive lang hindi mo na agad maintindihan?)

"Wow naman Jonathan, hindi naman kasi ako pharmacy student 'no?" Sarkastikong usal ko habang nakatingin sa maliit na papel kung saan nakasulat 'yung pinabibili niya.

(What?!)

Binabaan ko na ito agad ng linya dahil mukhang nagalit sa itinawag ko sa kaniya. Eh nakakainis naman kasi, nakakaintindi ako ng cursive sadyang nasobrahan naman ata 'yung kaniya. Reseta na ata 'to eh.

Pumunta ako sa book section at hinanap 'yung pinabibili ni Kuya, uunahin ko nang bilhin 'yon at baka malimutan ko. Nang mapadaan sa pen section may nakita akong pamilyar na mukha, hindi na 'ko nagulat sa mukha nito at napailing nalang nang makita na ibang babae na ang kasama niya, hindi na 'yung kasama niya kahapon sa milktea shop, nagsusulatan pa sa palad mga mahaharot, charot! Judger ka, self.

Dumiretso na 'ko sa book section at agad hinanap 'yung libro ni Kuya. Good thing, nakita ko agad. Napairap ako nang makita ang kapal nito. Kinuha ko na 'yon at paalis na sana nang mag-vibrate ang phone ko kaya binalik ko muna sa shelf at kinuha 'yung phone mula sa bulsa ko.

Jonathan Tugafin: Bili mo rin ako nung Anatomy by Snell.

[Abusado talaga. Bayaran mo ko ah!]

I replied before putting back my phone inside my pocket.

Hinanap ko agad 'yung libro na sinabi niya at nang makita 'yon, sinilip ko muna kung nasa pen section pa ba 'yung dalawa dahil doon ang next na punta ko. Nakahinga ako nang maluwag dahil wala na sila ro'n. Kumuha ako ng dalawang ballpen at highlighter para na rin kay Kuya, 'di ba ang bait kong kapatid? Pero syempre may bayad 'yon, charot! Libre na 'yon pero 'yung libro ay hindi.

Pipila na sana ako sa cashier pero nang makita kong sila William 'yung nasa dulo ng pila ay agad akong lumihis ng daan at pumasok sa section kung saan puro mga pang-paint ang nakalagay. Wala naman akong gagawin dito, ayoko lang talagang pumila kasama ang isang 'yon lalo na't may kasamang babae, halata pang naghaharutan kasi nagsusundutan sila ng tagiliran. Nakakairita!

Nagtingin-tingin nalang ako kunwari sa mga nandito, mga paint brush, poster and acrylic paint. Wala naman akong alam sa mga ito pero mahilig naman ako tumingin ng mga paintings. It's just that painting is not into my hand, nag-try naman ako mag-paint kaso ang dugyot ng kinalabasan. Alam mo 'yung ang ganda nang nai-imagine mo tapos excited ka pa na gawin 'yon tapos in reality ang gulo? Mas magagandahan ka pa sa abstract paintings kesa sa gawa mo eh.

Bahagya akong sumilip sa lane ng cashier at nakitang wala na sila. Nakahinga ako nang maluwag at akmang pipila na roon kaso nagulat ako nang may magsalita sa tabi ko.

"Sinong sinisilip mo?"

"Anak ka naman ng pating oh!" I held my chest in shock before I made a sidestep because he's too close beside me. 

"Ang gwapo ko namang anak ng pating," he held his chin before smirking.

Seriously, ang hangin.

Napailing nalang ako bago pumunta sa cashier at nagbayad.

"Saan sunod na lakad mo?"

Nakasunod pala ang isang 'to. Hindi ko siya pinansin at nagbayad na doon sa babae. Kukunin ko na sana 'yung paper bag nang mabilis niya itong kinuha mula sa counter.

Living With The Game (Living Series #2)Where stories live. Discover now