Chapter 39

6 5 0
                                    

It's been almost a week after the meeting and business with the Alienation Ph and Bloodline. Ngayon ila-launch ang advertisement ng dalawang team and bukas naman naka-schedule ang pag-post sa mga pictures nila with the designs. Sinabihan ko si May na mag-schedule ng small victory party to celebrate for weekend.

I was cleaning my table when someone knocked on the door. As I said to get in, tumaas ang kilay ko nang makita si Nash. 

"And what are you doing here?" I said raising my eyebrow on him before crossing my arms in front of my chest.

"Hoy, nag-text kaya ako sa 'yo." Usal pa nito na para bang ang laki ng kasalanan ko para hindi malamang nag-text pala ito.

"Okay, malay ko ba. I'm too busy."

Agad ko naman kinuha ang inabot nitong paper bag.

"Cookies again?" Usal ko habang binubuksan ang paper bag. 

"Bakit, ayaw mo?"

"I'm just asking, okay?" I defended before finally unpacked the one he gave me at cookies nga ito. 

"Thank you!" Nakangiting usal ko bago kumuha at kumain.

To be honest, I'm not really eating cookies that much but everytime Nash gives me one, hindi ako tumatanggi dahil masarap siya mag-bake ng cookies. 

"Nga pala, would you like to come sa victory party ng company?" I offered bago sumandal sa table ko.

"H'wag na 'no. Baka mamatay pa ako sa tingin ni William."

"What?!" I instantly said in disbelief.

"Wala! Sabi ko mauna na ako dahil dumaan lang ako rito para iabot 'yan."

Usal nito 'tsaka dali-daling umalis ng opisina ko nang agad akong tumayo. I just rolled my eyes before I sighed heavily. Mabuti nalang at wala ang secretary ko rito kung 'di sandamakmak na tanong ang aabutin ko ro'n or even asarin ako. Umupo nalang ako sa aking table bago napagdesisyunang umuwi sa condo. Since hindi pa ako nakakaramdam ng pagod, I decided to go to convenience store para mamili ng snacks at drinks. Malapit lang sa condo ang convenience store kaya doon nalang ako bibili. Nagpalit lang ako ng pambahay bago umalis. Since walking distance lang din ay hindi na ako nag-aksaya pa ng gas ng sasakyan at nilakad nalang. Mabuti nalang at nakajacket ako dahil medyo malamig. 

As I've reached the convenience store bumili na ako ng mga kailangan kong lamunin, different kinds of snacks and biscuits, soft drinks and liquors. Naalala kong ubos na pala ang tissue ko sa unit kaya kumuha na rin ako bago pumunta sa counter to pay. I gave my card bago ko kunin ang pinamili ko.

Lumabas na ako ng store at napagitla ako nang biglang bumugad si Mateo sa harap ko. Sa sobrang lapit nito ay amoy ko ang alak sa kaniya.

"Hey, Joanna." 

My brows furrowed as he mentioned my name. Alanganin ko itong tinanguan bago nagpatuloy sa paglalakad.

"Where do you live? Hatid na kita." He said and I gasped as he held my arm.

I swallowed hard nang maramdaman ang paghigpit ng pagkakahawak nito sa akin that I felt his nails on my skin.

"N-No thanks, it's just walking distance." Usal at akmang babawiin ang kamay ko nang hilain ako nito pabalik.

"C'mon, Joanna."

"No! Ano ba, Mateo? Sa tingin mo magpapahatid ako sa lasing, ha?! Baka ikamatay ko pa eh. You can't even walk properly, and then you have the nerve na ihatid ako?" Hindi ko na napigilan pa ang sarili ko dahil sa inis. 

Nakita ko ang biglang pagbago ng ekspresyon ng mukha nito, he look so serious and mad now. 

Halos mabitawan ko ang hawak kong paper bag when he immediately pulled me and slammed against his car, I gasped in pain on my lower back dahil tumama ito sa side mirror ng sasakyan nito.

Living With The Game (Living Series #2)Onde histórias criam vida. Descubra agora