Chapter 37

4 4 0
                                    

Matapos ang issue ay nagpatuloy ang contest. Designer no. 8 declared disqualified. The designer knew about the issue and I guess napagkasunduan nila 'yon ng mother niya. Moving forward, si Hannah ang champion. We cannot deny it dahil maganda talaga 'yung design niya. It is a smoky dark blue in color na fitted at wavy sa dulo ng dress. Ang upper part ay tube na medyo 'M' shape sa bandang chest at backless hanggang lower back. Plus sobrang detailed ng glitters nito. 

I already told Mr. Frano what happened. Nainis ito dahil nga cheating na 'yon and unfair sa mga contestants na talagang nagpursige para manalo at lumaban ng patas. Nagulat pa ako dahil napagalaman kong may kahati pang isang judge 'yung nasalubong. It's just so disappointing dahil teachers pa man din ito. If I'm not mistaken ay nasa iisang school lang sila, the judges who are involved and the contestant plus her mother. Well I would say they're also doing it to get the title for their school. That's totally unfair. But then Hannah made it, dahil nag-stand out talaga ang gawa nito. Even the other designers and contestants are complimenting her design. 

Matapos ang awarding ay inaya kaming mga judge sa to eat lunch with the teachers. Sabay kami ni Mr. Frano na nagtungo sa isang room kung saan kakain. All set na rin at kakain nalang. A teacher lead the prayer before we started eating. While eating, napansin kong wala ang dalawang judges na pinatawag sa office. The principal said ay umuwi na sila, baka nahiya na rin humarap dito.

"I'm really sorry for what happened, Ms. Joanna and Mr. Frano." The principal said while wiping the tip of her lips.

"Well, as for me ilang beses na akong naka-encounter ng mga ganiyang eksena ng cheating but I really felt disappointed dahil lahat ng students ay lumalaban ng patas to gain a title." Mr. Frano explained. Tumango naman ako dahil totoo naman. Madalas mag-judge si Mr. Frano sa mga contest, even beauty pageant. 

"Hindi ko talaga in-expect na may gaanong nangyari right after masalubong ko siya, I just trust my instincts. It's a good thing na rin that you talked to them in private, Ms. Principal." Nakangiting usal ko. 

Nagpatuloy naman ang lunch hanggang sa matapos at unti-unti nang nag-alisan ang mga tao. Nagpaalam naman si Mr. Frano dahil babalik na siya sa company. I told him maiiwan ako rito to watch some other contests.  And now I'm on my way now papunta sa isang court kung saan nagaganap ngayon ang street dance competition. Medyo maraming tao kaya siksikan at halos mabunggo ako ng ilang students dahilan para mapaatras ako. I gasped as I felt someone held my waist. Nilingon ko ito at nagulat nang malamang si William 'yon. 

I could feel something on my stomach. My heartbeat started racing again.

"Yung paa ko, Joanna." Usal nito at bakas sa mukha nitong nasasaktan kaya naman agad ako umiwas at umusog nang kaunti dahil natapakan ko pala ang paa nito. I tried to move forward pero nagtatalon naman ang mga tao sa harap ko dahilan para mapaatras akong muli, and I bumped into William's body. Masikip na at medyo nasa kalagitnaan na kami ng students na nagsisiksikan. 

"Excuse me, makikiraan." 

And the moment I knew William was already dragging me at pilit nakikiraan sa mga student para makasingit. At ngayon nasa harap na kami, kitang-kita ang mga performer. Napatingin ako sa kamay ni William na siyang nakahawak pa rin pulsuan ko. As he noticed, he instantly let go of my wrist. Nagtama ang paningin naming dalawa ngunit sabay ring umiwas at itinuon nalang ang pansin sa performer. 

This is so awkward. Ewan ko ba kung bakit dito ko naisipan gumawi, nadala lang siguro ng mga naghihiyawang crowd. While watching, nahagip ng mata ko ang lalaking kumakaway mula kabilang bahagi ng court. Nilingon ko si William at nakitang kumaway rin ito doon sa lalaki. Naningkit ang mata ko to look closely and I realized that it was Ewald, looking at me and William. I saw how Ewald wiggled his eyebrows before walking away while laughing.

Living With The Game (Living Series #2)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz