Chapter 19

9 2 0
                                    

Pababa na 'ko ng building dahil uwian na, wala si Patrice dahil sinundo ito ni Henz kanina. Nang makababa ay sakto namang dumaan si Lance, napahinto ito nang makita ako.

"Oh, kumusta?" Aniya habang nakangiti at sinabayan akong maglakad.

"Ayos lang naman, ikaw ba?"

"Talaga ayos kalang?" He sarcastically said before looking somewhere that made me look at too.

I saw William sitting on a lagoon bench with the same girl. Halatang naglalaro ng ml.

"Is he waiting for you?" He asked turning his gaze on me as we stop walking.

"I don't think so."

"You don't think so," natatawang aniya bago muling napatingin sa direksyon nila William na ngayon ay nakatingin sa 'ming dalawa, so serious again.

Wow, ha.

"I should get going, I should definitely get going." Natatawang aniya bago umalis.

Bumalik ang tingin ko kay William na nagpaalam na babaeng kasama niya 'tsaka ako nilapitan.

"Bakit kasama mo 'yon?" He asked, gesturing his head on Lance's direction.

Hindi ako sumagot at tinitigan lang siya. Nang ibalik nito ang tingin sa 'kin ay agad siyang natahimik.

"Are you okay?"

"Bakit mo tinatanong?" Mabilis na tanong ko sa kaniya bago nag-umpisang maglakad.

I don't really know why am I acting this way but I guess this is jealousy.

He wrapped his arm around my waist before walking with me. Tahimik lang ako habang todo salita ito kung ano raw bang problema ko na naman at bakit ko raw kasama si Lance. Hello? Bakit kaya niya kasama 'yung babae na 'yon maghapon? Tapos sabay kumain ng lunch? Maaabutan ko pang magkasama sila ngayon-ngayon lang? Tapos 'yung babae bigla-biglang nawawala 'yung ngiti kapag napapatingin sa 'kin mula kanina. Akala niya ba hindi ko napapansin 'yon? Tsk.

"Ano ba?" Inis na usal ko nang halikan ako nito sa pisngi.

Huminto kami sa gilid ng kalsada, hinawakan ako nito sa magkabilang balikat 'tsaka ipinaharap ako sa kaniya.

"You're ignoring me again." Aniya 'tsaka diretso akong tinitigan.

Diretso ko lang itong tinitigan ngunit nanatiling tahimik. He sighed before looking away and looking at me again.

"What's wrong, baby?"

"Who's that girl?" Salubong ang kilay na tanong ko.

Hindi ito agad nagsalita at gumuhit ang ngiti sa labi niya.

"My baby is jealous." Malambing na aniya bago lumapit at isinubsob ang mukha ko sa dibdib niya. Agad naman akong lumayo at masama siyang tinitigan.

"Hindi ka sumabay sa 'min kanina mag-lunch, ang sabi nila Andrea ay may dadaanan ka lang daw at akala nila ay ako ang dadanan mo, nagulat sila nang makitang hindi kita kasama. Nakita kita kaninang umaga pagpasok ko palang, with the girl you were with at lunch and awhile ago, anong inaasahan mong mararamdaman ko?" I explained.

Hindi ito nakasagot at napakamot nalang sa kilay niya.

"I'm sorry. That's Loraine, streamer din siya. Napanood niya 'yung last stream ko at nalamang naimbitahan akong mag-try out sa isang team, she was invited with the same team too that's why she invites me to play earlier." Paliwanag niya bago lumapit sa 'kin at hawakan ang magkabilang braso ko. "That's it."

"So napag-usapan niyo na 'yung tungkol sa team na nag-invite sa 'yo? Oh, streamers nga pala kayo." Sambit ko 'tsaka tumango-tango, getting the idea now.

Living With The Game (Living Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon