Chapter 8

13 7 0
                                    

"Sige una kana do'n, tapusin ko lang 'to." Turo ko sa sinusulat ko.

"Oo mauuna 'ko tapos susunod ka ay tapos na 'ko kumain. 'Wag ako, Joanna–sumabay kana sa 'kin." Pagpupumilit ni Patrice at akmang ililigpit 'yung gamit ko nang pigilan ko siya.

"Malapit na 'ko matapos, para ire-revise ko nalang bukas." I gave her my apologetic look that could convince her, she sighed before letting go of my things. "Thank you."

"Dalian mo, babagalan ko kumain." Mukha mang dismayado ay nginitian ako nito bago lumabas ng library.

I sighed before massaging my head while looking at my things. Isang linggo na 'kong ganito, late kumain ng lunch. Hindi na nga namin nakakasama kumain sila William pero nagkikita pa rin naman kami kahit papaano, minsan ay siya ang kasabay kong umuwi. Dahil sa individual ang research namin ay naiba ang oras ng pagkain ko. Nagkaroon ng trust issue ang prof namin dahil sa nangyari last sem, groupings ang research, may isang grupo na dalawa lang ata ang kumilos, nalaman iyon ng prof namin kaya naging individual na ngayon. Mas okay na rin naman 'yon para naman kumilos ang lahat at hindi umasa sa leader or groupmates nila. Maliban nalang kung ipapagawa nila sa iba 'yung research, well may mga ganoong istudyante. Ayaw ko rin naman magkaroon ng ka-grupo na pabuhat ano. Mas gugustuhin ko pang mapagod basta sasarilihin ko 'yung grade, kaysa naman may makinabang pa sa pinagpaguran ko na wala namang ambag.

Tinapos ko nang isulat lahat ng kailangan ko 'tsaka agad binalik 'yung mga libro at umalis. Nagmadali akong pumunta sa cafeteria at bumili ng nakakain. Nakita ko agad si Patrice hindi kalayuan, kumakain magisa tapos halatang walang gana. I pursed my lips because of conscience.

"Sorry na," malambing na usal ko nang makaupo ako sa harap niya.

Tinapunan lang ako nito ng tingin bago muling yumuko sa pagkain niya.

"Hinahanap ka ni Wil kanina, tinatanong kung bakit hindi ka na naman sumabay." Nakayuko pa rin ito sa pagkain niya.

"Oh ano sabi mo?"

"E 'di sabi ko nagpaiwan na naman sa library."

Tumango nalang ako bago nag-umpisang kumain. Hindi nagsasalita si Patrice at nakayuko lang sa pagkain niya habang kumakain. Alam kong nagtatampo siya dahil halos isang linggo ko na siyang hindi kasabay kumain, hindi niya rin naaabutan sila William kumain dahil nga late kami mag-lunch at mas lalo na 'ko. Kaya mag-isa siyang kumakain dito sa cafeteria.

"Sorry na, Pat. Babawi ako, promise. I'll try my best na gumawa sa bahay mamaya para bukas sabay na tayo ulit kumain, ha?"

Hindi kasi talaga ako makapag-aral sa bahay dahil nate-temp lang ako maglaro ng ml or matulog. Hindi rin ako makapag-aral sa sala dahil sakop ni Kuya 'yung buong 'yon, hindi rin nag-aaral sa kwarto 'yon eh.

Nag-angat ito ng tingin sa 'kin na para bang sinusuri kung nagsasabi ba ako ng totoo.

"I swear," I raised my right hand as a sign, "libre kita ng fishball mamaya, ano pa gusto mo? Ice cream? Kape?"

"Lahat 'yan bigay mo ah? Kapag 'yan hindi mo pinakain sa 'kin mamaya ah, kakaltukan kita."

Agad gumuhit ang ngiti sa labi ko at nag-flying kiss sa kaniya.

"Hoy, nagtatampo pa rin ako akala mo ba. Para akong loner dito, parang walang Joanna na nabubuhay as my friend." Nakasimangot pa rin na aniya.

"Grabe ka naman! Sorry na nga eh."

"Apology temporarily accepted."

"Temporarily amp, oo na."

Tinapos lang namin kumain ni Patrice bago pumasok. It's just a normal discussion and lectures kaya kahit papaano ay nasa pahinga ang utak namin. Mabuti nalang walang quiz dahil hindi namin alam kung may ipipiga pa ba 'yung utak namin para do'n, dahil ang lahat ay tutok sa research.

Living With The Game (Living Series #2)Where stories live. Discover now