Chapter 11

13 4 0
                                    

"Wala namang quiz bakit ka nagpapakalunod dito? Tambay nalang tayo sa may lagoon since mainit pa, maya-maya na tayo kumain ng fishball." 

Halatang bored na itong si Patrice habang pinapanood akong magbasa. Nakapangalumbaba ito habang pinaglalaruan ang ballpen sa daliri niya. Maaga natapos ang last subject namin ngayong araw, ayaw ko pa namang umuwi dahil wala naman akong gagawin, wala rin ako sa mood maglaro kaya nagbasa nalang ako rito sa library. Advance learning na rin. Ito namang si Patrice, wala sa mood tumambay dito dahil nakakaantok daw. Mag-aalas kwatro palang ng hapon kaya nakakaantok nga naman. 

"Dali na, Joanna. Nakita ko rin kanina sila Marielle sa may lagoon. Tambayan ata nila 'yon eh."

"Ikaw nalang." Walang ganang usal ko bago nilipat ang page na binabasa ko. 

"Kanina niyaya tayo nila Marielle sumabay sa kanila mag-lunch but you refused, ngayong babawi sana tayo ayaw mo na naman."

I close the book and look at her, "Tumanggi ako dahil may inayos pa ako 'di ba?"

"Eh bakit ayaw mo naman ngayon?"

I sighed before fixing my things. Ang kulit talaga kahit kailan.

"Tara fishball."

"Huh? Akala ko sa lagoon?" 

"Baka wala na sila ro'n."

Nauna akong lumabas ng library at sumunod naman ito. Since madaraanan namin ang lagoon palabas ng school ay hindi ko maiwasang manalangin na sana ay wala na sila William doon. And luckily, wala na nga sila ro'n. I'm a little bit disappointed dahil I wasn't able to see him, though nakita ko siya kanina pero hindi niya ako pinapansin kaya hindi na rin ako umimik.

"See? Wala na sila. Kain nalang tayo ng fishball." 

Ako na ang humila kay Patrice palabas ng school hanggang sa makarating kami sa kainan namin ng fishball. 

"Oh! Sila Wil!" 

Nanlaki ang mata ko nang makitang kumakain nga sila ng fishball. Agad akong napahinto at bitaw sa braso ni Patrice nang lingunin nila kami.

"Oh, Patrice! Tara kain!" Andrea gestured her hand to join them, agad namang lumapit si Patrice habang hila-hila ang braso ko.

"Balita ko lagi raw kayo rito ah? Hindi ko alam may fishball-an dito."

"Nabalitaan mo kanino?" Patrice asked Marielle.

"Kay Wil,"

"Wala akong binalitang gano'n." Walang emosyong tanggi ni William bago tinapon ang wala nang laman na stick 'tsaka uminom ng tubig.

"Yeah pero ikaw nag-suggest na may fishball dito at sabi mo ay kumakain dito sila Joanna." Umirap naman ito bago muling nagtuhog ng fishball.

Kumuha nalang ako ng stick at nagtuhog ng sarili ko 'tsaka tahimik na kumain. Nag-uusap lang sila sa kung anu-anong bagay, syempre madaldal na ngayon itong si Patrice. Kasundo na nga si Marielle at Andrea eh. Si Vincent at Jushel naman ayon nagsusubuan ng fishball.

"Ba't ang tahimik mo ata ngayon? Are you okay?"

"H-ha? A-ano, ayos lang ako." Nginitian ko si Andrea at tumango-tango naman siya. Napatingin ako kay William nang mapansing nakatingin siya sa 'kin, pero agad ding umiwas nang magtama ang paningin namin.

Tsk. Siya 'tong nag-seen lang sa chat ko tapos ganiyan siya?

"Oh, si Lance."

Agad akong napalingon sa likuran ko at nakita nga si Lance. Papunta sa direksyon namin.

Living With The Game (Living Series #2)Where stories live. Discover now