Chapter 32

9 3 0
                                    

Bagsak ang dalawa kong balikat habang naglalakad patungong elevator. Paano ba naman kasi ay na-lecture'an na naman ako ni Nash. Tama naman kasi siya, I'm being sensitive and acting like affected pa rin after all these years. Well, I can't stop myself from it. Kahit paulit-ulit kong sabihin na naiyak ko na lahat ay hindi maiaalis sa isip ko ang nangyari sa amin ni William. Walang maayos na break up, I don't even have any idea regarding our relationship status, all I know was we're just taking a rest but then our relationship ended up by just cutting ties with each other. 

I can't even accept it by myself, na after all ay heto ako at apektado pa rin pala. Kahit anong convince ko sa sarili ko na h'wag na maging apektado ay hindi ko mapigilan ang nararamdaman ko. I even thought na okay na ako, na wala nalang sa akin ang nangyari sa amin dati, na naka-move on na ako sa lahat ng sakit pero ilang segundo o minuto lang pala right after makita siya ang magpapatunay na hindi pa ako okay. 

Pagpasok ko sa elevator ay agad ko namang pinindot ang floor kung saan ang conference room which is sa 5th floor. The door was about to close nang biglang may pumasok sa kamay upang pigilan ang pagsara nito, nagulat pa ako dahil do'n. 

"Hi there, Ms. Tugafin." Nakangiting usal ng lalaking pumigil sa pagsara ng pinto ng elevator at ngayon ay nasa tabi ko na. 

"Hello." Nakangiti ring usal ko at bahagyang umiwas sa kaniya dahil medyo malapit ito sa akin. 

"You're the CEO, right?" He then asked, we are both looking forward. 

"Yeah."

"Nice meeting you then." 

Hindi ko alam kung bakit at bigla akong napasulyap sa kaniya at nakitang nakangiti ito. He was about to look at me pero agad akong umiwas. Sakto namang bumukas ang pinto ng elevator at lumabas na ako agad at nagtungo sa conference room. May mga tao na rin na agad naman akong binati. Umupo ako sa usual seat ko which is sa dulong bahagi ng table. Ilang segundo lamang ay pumasok yung lalaki na nakasabay ko sa elevator. Nag-start na ang meeting. Tinawag ako sa harapan ng isang coordinator to introduce me sa team na nandito which is the Bloodline. Although dalawa lang sa team nila ang kinuha namin which is yung hindi kasama sa roster nila, so basically ay streamers ang nandito. 

"Ms. Joanna Tugafin, our CEO." Usal ng coordinator habang naka-gesture sa akin ang kamay nito. "And this is Mr. Mateo Lopez, Bloodline's manager." the coordinator continued and tumayo naman yung lalaking nakasabay ko sa elevator kanina at inilahad ang kamay sa akin. 

"Hello, nice to formally meet you." Nakangiting usal nito habang diretsong nakatingin sa mga mata ko. 

Kahit nagtataka ay nakipag-kamayan ako sa kaniya well as I should. I felt something weird the way he approach me, para bang kilala ako nito not just being the CEO of this company. 

The meeting went well and after that ay dumiretso na sa hall for their shoot. I told May that we have a misconception regarding on meeting the Alianation Ph dahil bakit nauna ang shoot before the meeting. Humingi naman ito ng tawad and I guess si Direct Bem na rin ang nag-asikaso sa kanila that time. 

Dumiretso na ako agad sa office ko para magtrabaho dahil hindi na rin naman ako kakailanganin sa shoot. Upon doing my work ay nag-vibrate ang phone ko. 

Patrice: Shot mamaya with the girls, G? 

Nagreply naman ako agad at sinabing go ako. Well alam kasi nitong hindi ako pala-check sa group chat namin kaya nag-direct message ito. Minsan lang kami ulit magkita-kita at mag-inuman tatanggi pa ba ako. 

Mabilis na tumakbo ang oras at hindi namalayang gabi na pala. I fix my things before I decided to go home. Hindi sa bahay kung 'di sa condo ko. Nagtungo na ako sa parking lot at pumasok sa sasakyan ko. Yes, okay na ang sasakyan ko dahil nagpadala ako ng pweding mag-ayos dito and naayos naman siya agad. Nang makarating sa condo ay nagpahinga lang ako saglit bago kumain at nag-ayos. I'm wearing a nude color bright silk dress. I took my purse before getting my keys 'tsaka lumarga na. Nag-chat naman ako sa group chat namin na I'm on my way now. Ilang kilometro lang dito ang layo ng club kaya hindi na ako nagmadali, plus maluwag na rin naman ang daloy ng trapiko. 

Living With The Game (Living Series #2)Where stories live. Discover now