Chapter 1

36.2K 891 184
                                    

HAVRI

"HAVRI, WHY don't you do your job instead of staring at that compass?" Rinig kong sermon ni Len sa naiinis na tono. May halong gigil na parang gusto akong tirisin kaya napalabi ako. Isa siyang angry bird.

Napakurap naman ako at mabagal na nag-angat ng tingin sa kan'ya. She, then, squinted her eyes on me as though she's skinning me alive. Brutal. That made me unconsciously pout.

Napaisip ako bigla at umayos ng pagkakaupo mula sa swivel chair. I rested my back and heaved a sigh. Bakit gano'n? Hindi ba't ako 'yung boss niya? Bakit parang mas matapang pa siya kaysa sa'kin? Ganito siguro kapag mabait na nilalang.

Helen Davis. My... right hand? Servant? Maid? Babysitter? Something like that. Kahit ako kasi ay hindi sigurado sa kung ano ko ba talaga siya. Basta siya 'yung laging nag-aasikaso sa akin at pati panenermon ay trabaho niya.

I intently stared at the old compass again in front of me then heaved a deep sigh. Ito 'yung nabili ko doon sa bidding na pinuntahan ko nung isang araw at pinag-iisipan ko kung anong gagawin ko rito.

Pwede ko naman i-display kaso may kaparehas na nung nabili ko dati. Iregalo ko na lang kaya? Kanino pwede? Kay Suffren? Pero hindi naman 'yun mahilig sa ganito. Busy yata kaya ayaw na magpa-istorbo.

Sa parents ko? Pwede. Pero baka kung saan-saan lang nila ilagay at mawala lang. Ang mahal pa naman ng bili ko. Sayang naman. Hindi rin naman sila mahilig sa ganito dahil luma na raw. Duh, may value kahit mga lumang bagay na.

Kay---alam ko na!

"Come here, Len." I asked then grinned from ear to ear. Great idea.

Lumapit siya sa akin nang nagtataka at basta naupo sa harapan ko. Nasa office kami nitong kompanya na pinapatakbo ko. It is my parents' decision so I couldn't do so much about it. Wala rin namang magagawa ang board of directors dahil sa amin mismo ang kompanya.

I'm already nineteen, so it isn't bad, right? Tapos naman na ako sa college kahit ganito ang edad ko. I was accelerated. Ilang year din ang nilaktawan ko pero kailan lang din naman ako naging CEO since bumaba si dad sa pwesto.

Tinuruan ako ni mom and dad. Lalo na kung paano iha-handle ang mga gawain at mga investors, clients and etc. It is the Aphelion's Pharmaceutical Company. Meron din na Aphelion Empire and more.

It's all about business.

"What?" She asked, sounds annoyed that made me purse my lips to the side.

"Here, sa'yo na lang." I chuckled when she abruptly rolled her eyes on me.

Tinitigan niya 'yon nang nakalabi bago nag-angat ng tingin sa akin ang walang buhay niyang mga mata. Umayos naman ako ng upo at nginitian siya nang malaki para masaya siya.

"Sabi ko naman sa'yo, pag-isipan mo kung bibili ka. Nasasayang pera sa'yo." Inis na pangaral niya pa kaya napanguso ako at nagdekwatro.

"Binigyan na nga kita, may reklamo ka pa." Asik ko pero pinaningkitan niya lang ako ng mga mata dahil sa sagot ko.

Parang ate ko na talaga siya. Wala rin naman kasi akong kapatid dahil sabi ni mom ay sa akin pa nga lang ay masakit na ang ulo nila. I'm not a troublemaker, though. Pero grabe naman, laging may sermon at gan'yan ako tratuhin! Porque kasama ko siyang lumaki.

Serenity Within (Seven Deadly Sinners #1)Where stories live. Discover now