Chapter 19

12.9K 571 161
                                    

HAVRI

"SIGURADO KA na ayaw mong sumama?" Tanong ko kay Len sa kabilang linya.

"Jusko, Havri. Hindi na. Para sa inyo 'yan at ayoko namang maging third wheel. Lakas maka-bitter." Natatawa niyang sagot kaya tumango na lang ako kahit na hindi niya nakikita.

"Pero pwede ka namang sumunod." Alok ko pa.

"Nope. May trabaho pa ako at saka honeymoon niyo 'yan, e. Anong gagawin ko? Manonood?" May himig ng sarkasmo na tanong niya.

Napakunot ang noo ko. Pupunta na kasi kami mamaya sa Tagaytay. Sakto dahil may pina-reserve na room na sila mom and dad doon at ngayom ay inaaya kong sumama si Len. Baka kasi gusto niya din gumala.

Pero bakit siya manonood? Ewan ko sa kanya. Malabo talaga siyang kausap minsan.

"Speaking of honeymoon, Len. Anong ginagawa do'n bukod sa pamamasyal?" Tanong ko at napanguso.

Nilaro-laro ko ang hawak kong ballpen at sumandal sa swivel chair nitong opisina ko sa bahay. Dito sa library. Si boss naman ay tulog pa yata at napagod kagabi---kakanood ng kung ano sa laptop. Hmp.

Sukat doon ay rinig ko ang malakas niyang pagtawa kaya napakunot ang noo ko. What's funny? Mali ba ang tinanong ko? Baka pinagt-trip-an lang ako nito.

"Ang inosente mo, Havri." Natatawang saad niya pero tumahimik ako para malaman niyang seryoso ako. "Okay. Bakit hindi mo nalang ayain si Yxen? Hehe. Tanungin mo din siya. Alam niya 'yon. Pfftt." Nagpipigil na tawang sagot niya kaya huminga ako ng malalim.

Si boss? Sige, sa kanya ko na lang itatanong para mas matino ang makuha kong sagot. Kainis naman kasi si Len, seryoso kaya ako!

"Sige na, sige na. Bye-bye! Enjoy sa honeymoon! Pakikuha akong ninang, ah." Paalam niya at binaba na agad ang tawag.

I frowned while looking at the screen of my phone. Anong sinasabi no'n? Ninang? Hindi ko siya gets. Bakit ba ang labo niyang kausap minsan? Aish. Dagdag lang sa iniisip ko e.

Tumingala ako at napapikit bago huminga ng malalim. Bakit ba pakiramdam ko ay pagod na pagod ako nitong mga nakaraang araw? Hindi naman ako ganito dati. Siguro ay dahil sa stress. Buti na lang at nandyan si boss.

Kapag nandyan siya, parang ang payapa lagi ng paligid. Like a calm sea in a storm. A calm person in a raging fire.

"H-Havri, don't do that."

"C-Calm down, Havri. Shh.. calm down.."

Napahilamos ako ng mukha dahil sa mga naiisip. Napatawad na niya kaya ako? Siguro ay hindi. I am so horrible, kaya ayokong nagagalit. I'm losing my control then ta-da! Everything will be a mess.

I don't mean everything that happened before. Hindi ko gustong masaktan siya pero anong nangyari? I failed. I end up hurting such precious person for me.

"Havri Aphelion. You did that because of your anger? Then come with me and be the sinner of wrath."

Yeah. After that incident, hindi ko alam kung paano pero nalaman 'yon ni Ferish. Inalok niya ako na sumali sa organisasyon nila na tinanggap ko naman. I was confused as hell, but she reassured me that everything will be fine.

"Baby?"

Umayos ako ng upo nang marinig ang palapit na boses sa pwesto ko na galing kay boss. Naaamoy ko na rin ang gamit niyang sabon at ang bango niya talaga. Damn.

Serenity Within (Seven Deadly Sinners #1)Where stories live. Discover now