Chapter 42

9.4K 431 117
                                    

HAVRI

"DIE FOR me, Yuri." Bulong ko habang nakatitig sa mga mata niyang nagmamakaawa sa akin.

I stared at her even more. I don't know why, pero wala akong makapang awa para sa kanya ngayon. She looks helpless, she's my friend, we spent good times together, but I can't find the mercy within me.

All I have to do is to kill her. Mas lalong nagngingitngit ang kalooban ko dahil sa mga ginawa niya. I asked my people to gather informations about Yuri and turns out, andami niyang nilabag sa batas ng organisasyon.

She'll through the trial, at kapag napatunayan na guilty siya ay hahatulan siya ng kamatayan mula sa organisasyon. Sila mismo ang magpaparusa sa kanya sa paraan na hindi gugustuhing malaman ng iba. She'll die like a trash if she is to face our law.

It's better to kill her here, right? So she'll die with---dignity, I think? Dahil kung hindi ay siguradong ipapahiya siya sa harap ng maraming tao bago siya mamatay. Pero depende pa rin ang lahat. No one knows what would be the result or her punishment.

I can't feel the mercy, yet I could feel the sadness at the thought of losing a friend. Mawawalan ako ng isang kaibigan sa gagawin ko, but this would be better, right? She won't suffer anymore. She'll die in my hands.

I am still mad and angry at what she did. Parang hindi na siya 'yung Yuri na nakilala ko noon. She used to be genuine and kind, pero pagpapanggap lang ba ang lahat?

I don't get it. What happened to her? She loves me? I can't blame myself. I can't blame her nor anyone, dahil hindi naman nadidiktahan ang nararamdaman. Kusa niyang naramdaman 'yon.

Kahit na gano'n pa man ay mali pa rin ang ginawa niya. So damn wrong. Ang nasa batas ay kami ang hahatol sa mga taong papatayin namin, pero ayon na rin sa mga impormasyon na nakuha ko ay inosente ang mga taong kinitilan niya ng buhay.

We're all a sinner in our own ways..

"Goodbye, my friend." Bulong ko pa habang nakatitig ng diretso sa kanya, pero bago ko pa man maisaksak sa kanya ang hawak kong espada ay---

"HAVRI!" Sigaw ni Pharaoh pero hindi ko na napagtuunan ng pansin dahil biglang nanlambot ang mga tuhod ko sa sakit.

Natulala pa ako saglit dahil sa hindi inaasahang pangyayari at dahan-dahang binaba ang tingin sa balikat ko nang mula sa likod ay may bumaon rin na espada! Sagad ang pagkakabaon sa ibaba lang ng mismong balikat ko.

Napaigik ako sa sakit at naghabol ng hininga. Ginamit naman ni Yuri na pagkakataon 'yon para makaalis sa harapan ko habang ako ay unti-unting napaluhod dahil sa panginginig ng tuhod, pero buti na lang ay naitukod ko ang hawak ko na espada sa lapag bilang suporta sa bigat ko.

Nanginginig ang kalamnan ko sa sakit. Tagos sa buto ko ang pagkakasaksak. Buti na lang at sa bandang balikat lang at hindi sa dibdib, pero ramdam ko pa rin ang pag-iinit ng parte sa kanan dahil sa mga dugo. Ang pagkapunit ng laman ko ay ramdam na ramdam ko.

Tumutulo ang mga pawis ko at nanginginig ang kamay ko. Ang sakit. Sobrang sakit na parang hindi na ako makakagalaw pa dahil sa sakit na nararamdaman. Para rin akong nawawalan na ng malay sa anumang oras na ito.

Napatingin ako kay Pharaoh na nasa tabi ko na pala. Kita ko ang sakit sa mukha niya habang nakatingin sa ibaba lang ng balikat ko na may nakatarak na espada. Naluluha siya at hindi alam ang gagawin. Bakas na bakas rin ang pag-aalala.

Serenity Within (Seven Deadly Sinners #1)Where stories live. Discover now