Chapter 7

14.2K 667 202
                                    

PHARAOH

"YOU HAVE a meeting later at 1:00 pm, a contract signing at 2:00 pm with Mr. Velasco, and a meeting with the board members at 4:00 pm." I told her the schedule for today but I caught her staring at me.

Yep. She's just staring na mukhang hindi pa pinansin ang sinabi ko. Ugh! Paano ba siya naging CEO? Ni hindi nga ako pinapakinggan!

She's wearing a corporate attire. Pang-CEO, of course. Bagay sa kanya pero hindi siya nagsusuot ng skirt. Puro slacks.

Those eyes.. madalas ko siyang nahuhuling nakatitig sa akin na parang may ibang iniisip. Those dark brown dangerous yet gentle eyes. Mukhang inosenteng bata. Idagdag pa na ang liit niya kumpara sa akin.

"What?" Tanong ko nang nakatitig lang siya sa'kin ng mariin.

"Cancel mo lahat," Walang gana niyang sabi kaya napaamang ako.

What the heck?! I-cancel lahat? Is this kid serious?! Ugh! Nakakairita din talaga siya. Kanina hinihingi niya sa'kin 'yung schedule niya tapos ngayon naman ay biglang i-cancel?

Naaalala ko pa 'yung nangyari last week. Yes, isang linggo na kaming kasal. Aba! Isa siyang dakilang manhid! That woman is obviously flirting with her!

Bakit siya pa kailangan pumili ng underwear? Seriously? Ang sarap lumpuhin. Tsk.

At 'eto pa. Talagang pinakilala niya ako bilang asawa niya nung unang pumasok ako dito! Yes, talagang parang wala lang sa kanya. Kita ko ang gulat sa kanila tapos 'yung iba ay nanghihinayang pa.

Maayos naman siyang kasama sa iisang bubong---isama pa na sa isang kwarto kami natutulog at magkatabi sa iisang kama. Behave naman siya. Hindi nangmamanyak.

N-Naalala ko tuloy 'yung kiss. I swear, I didn't expect that her parents would welcome me in their family. Ang bait nila! Mukhang tuwang-tuwa nga sila sa'kin.

'Yung tungkol naman sa parents ko.. wala pa rin na progress. But she promised.. in exchange that I'll stay with her. But back to the topic!

"Are you serious? Those are important meetings. Lalo na't kasama mo ang board of directors! Paano kung alisin ka nila sa posisyon mo?" Naiinis na tanong ko sa kanya at humalukipkip.

"They can't do that. My family owns the company as a whole. They're just bunch of old people who wants money for their own. That's annoying." Walang gana niyang sagot sa akin kaya napabuntong-hininga na lang ako. "But send the contract to Mr. Velasco. Tatawagan ko na lang siya." Dagdag niya pa.

Gano'n ba sila kayaman? Gano'n ba kalaki ang sakop nila para umasta siya nang ganyan? Na parang wala lang ang pagiging CEO? Damn. Board Directors have the rights to fire her!

"Tell me, bakit ayaw mong sundin 'yung schedule mo ngayon?" Seryosong tanong ko at naupo sa harapan niya.

She pursed her lips. "Ayoko lang," Sagot niya at bahagyang ngumuso.

What should I do to make her obey me? Ang tigas ng ulo. Nakakairita din talaga minsan---madalas.

Napabuntong-hininga naman ako habang nag-iisip at nakatitig sa kanya na ngayon ay abala sa paglalaro ng ballpen. Parang bata.

Serenity Within (Seven Deadly Sinners #1)Where stories live. Discover now