Chapter 18

12.5K 518 81
                                    

PHARAOH

"BOSS."

"Boss."

"Pharaoh, boss."

"Masungit na boss.."

"Boss ko.."

Naalimpungatan ako sa pagtawag at pangungulit sa akin nung bata na may pangalang Havri. Ugh. Ang aga aga pa. Bakit ang aga naman?

"Havri, magpatulog ka." Naiinis na sabi ko at tumalikod ng higa sa kanya at niyakap na lang 'yung unan para doon isiksik ang mukha ko.

Sigurado akong nakanguso na siya sa likuran ko ngayon. Anong oras pa lang ba? Wala pang alas-singko ng umaga! Ang aga mangulit. Hindi ba pwedeng magpatulog siya kung hindi na siya inaantok?

And now.. the guilt is consuming me. Nakonsensya naman ako dahil para akong nang-aapi ng bata. Idagdag pa na hindi na ako agad makatulog. Ugh!

Humarap ulit ako sa direksyon niya at nahabag naman dahil sa nakita. Nakayuko siya at nakanguso habang nilalaro ang mga daliri. Mukha siyang batang inapi. 'Yung parang batang nagtatampo at malapit nang maiyak?

Pero nakita kong nakaligo na siya at amoy ko pa ang sabon na ginamit niya. She smells good.

"Bakit ba?" Marahan na tanong ko at hinatak siya pahiga para yakapin ko.

Sumiksik siya sa bandang dibdib ko na parang bata. Nakakagigil 'yung ka-cute-an niya. She's also warm. Ugh.

"Galit ka e." Nakangusong sagot niya at ramdam ko ang lungkot sa boses niya. The heck?!

"S-Shh.. I'm sorry. Hindi ako galit. Ano ba kasi 'yon?" Pag-aalo ko sa kanya at hinaplos siya sa buhok.

Nasaan na 'yung inis ko? Ayoko namang malungkot siya. It hurts me too whenever she feels pain. Ayoko. Nakaka-guilty rin na ganito ang ginagawa ko sa kanya.

"Exercise tayo." Pag-aaya niya kaya napatitig ako sa kanya.

Is she serious? Mukha naman siyang seryoso pero anong meron at inaaya niya akong mag-exercise? Hindi naman namin 'yon ginagawa---at least nang sabay.

"Bakit?" Nagtatakang tanong ko at hinalikan siya sa ulo. Nawala na rin ang antok na nararamdaman ko.

"Eh.." Ngumuso siya at tumitig sa akin. "Hindi na ako makatulog kasi nanaginip ako ng masama. Kaya exercise na lang tayo." Pag-aaya niya ulit kaya huminga ako ng malalim.

Pwede naman siyang mag-exercise mag-isa, dinadamay pa ako. But---ugh. Sige na nga. Pagbigyan na 'yung batang makulit.

Bumangon na ako at sinuklay ang buhok gamit ang mga daliri ko. Binaling ko ang tingin ko kay Havri na ngayon ay mariing nakatitig sa akin kaya napataas ang mga kilay ko.

"What?" I asked as I felt the heat on my cheeks.

The way she stare at me! Parang ako ang pinakamaganda sa paningin niya kaya medyo nailang ako. Kailan pa ako naging ganito?

Ah, yes. Simula nang mapangasawa ko siya.

"Ang ganda mo." Walang prenong sabi niya kaya napairap ako para pagtakpan ang hiyang nararamdaman.

Serenity Within (Seven Deadly Sinners #1)Where stories live. Discover now