Chapter 39

9.3K 386 17
                                    

PHARAOH

HINDI NA ako natutuwa.

Napabuntong-hininga ako habang ginagamot ang sugat sa kanang palad ni Havri. I swear, it's annoying. May malaki siyang hiwa dito pero buti na lang at hindi malalim.

Ugh!

Kung ano-anong sugat o pasa ang nakukuha niya sa tuwing uuwi siya dito sa bahay. Lagi siyang pagod at puyat, umuuwi rin dito na may bahid ng dugo ang suot na damit. Nakakairita na. Kung ako na lang kaya ang bumugbog sa kanya? Nakakagigil.

As always, she's busy again with something. Tinutulungan daw nila 'yung commander nila at ilang araw na siyang paalis-alis dito sa bahay. Kapag umuwi naman ay may mga sugat siyang nakukuha kaya nakakairita. Hindi ba siya marunong mag-ingat?

Tapos ngayon ay aalis na naman siya, pero babalik din naman daw siya bukas. Yes, bukas pa! Nakakainis talaga. Ang sarap niyang lumpuhin para hindi na makalakad pa. Alam ko namang importante ang ginagawa niya, pero isang araw siyang wala at pagdating may mga tama sa katawan?

I do understand that it's her job and she must do that. Pero pwede naman siyang mag-ingat. Lagi rin siyang dumadating dito sa bahay na may kung ano-anong bahid ng dugo ang suot na itim na coat at slacks. If I'm not mistaken, uniform daw 'yon ng commander. May simbolo din ang damit niya.

"Havri." Pagtawag ko at nakanguso naman siyang tumingin sa akin matapos na malinis at malagyan ng benda ang sugat niya. "Isang uwi mo pa na may mga sugat ka, babalian na kita ng buto." Banta ko kaya napasinghap siya. Hindi porque cute siya ay okay na kami.

"B-Bakit naman, boss? Hindi ko naman kasalanan 'yon, eh." Ungot niya at ngumuso pa.

Effective ang pagpapa-cute niya sa akin. Ugh! Bakit ba ganito? Hindi ba pwedeng kahit ilang minuto lang ay hindi ako matulala kapag ganyan siya? She's adorable. Really. Kaya paano ko siya matitiis?

"Fine. Pero mag-ingat ka naman." Naiinis na sermon ko at niligpit ang first aid kit.

Tumayo na ako para ibalik 'yon sa lalagyan at humalukipkip sa harapan niya. Mukha na naman siyang batang inapi dahil ang amo ng itsura niya at medyo nangingitim na rin ang ilalim ng mga mata niya. Lagi na lang siyang pagod pero ayaw magpahinga. Napakakulit.

Tinulak ko siya pahiga sa kama at tumabi sa kanya para makatulog siya. Tanghali palang naman at tapos na kaming kumain kaya dapat siyang matulog. Baka sakaling tumangkad pa.

"Sleep ka na." Bulong ko kaya humarap siya sa direksyon ko para yakapin ako sa baywang.

"Boss ko." Pagtawag niya habang hinahaplos ko ang buhok niya at sumiksik naman siya sa si dibdib ko.

"Hmm?" I hummed gently to make her fall asleep.

"Make love tayo.." Request niya kaya hindi ko talaga alam kung dapat ba akong matawa o mainis sa kanya. Pagod na't lahat, make love pa ang request? 'Yung kamanyakan niya talaga. Ugh!

"Pagod ka na. Pagbalik mo na lang. Sounds good?" Nag-angat siya sa akin ng tingin na mukhang napapaisip kung papayag ba o hindi kaya bahagya akong natawa. She's really cute kahit mahilig.

"Kiss na lang?" Request niya ulit kaya napailing na lang ako bago yumuko at sakupin ang malambot at matamis niyang mga labi.

Serenity Within (Seven Deadly Sinners #1)Where stories live. Discover now