Chapter 35

9.8K 389 49
                                    

HAVRI

I SMILED as I thought of something.

It's Valentine's day! Hehe. Aayain ko na lang sigurong magdate si boss. Tama, tama. Para hindi mainit ang ulo niya sa'kin at para na rin sumaya naman siya. Para kasing ang tamlay niya these past few days. Marami siguro ang iniisip o stress lang talaga?

'Yon 'yung napansin ko kay boss. Parang matamlay siya at saka ako lang ba o parang kakaiba siya sa akin tumingin? 'Yung parang naghihinala kaya nakakakilabot minsan, eh. Nananahimik nga ako pero gano'n talaga 'yung pagtingin niya sa akin. 'Yung para bang sinusuri niya ako?

Tapos may nagbago. Hindi ko matukoy kung ano pero may nagbago talaga. 'Yung pakikitungo niya sa akin, parang hindi na kasing-sigla noon. Napapaisip nga ako kung may nagawa ba ako sa kanya kasi baka meron at hindi ko lang alam. Baka naman kasi pagod lang talaga pero kung ano-ano na ang iniisip ko.

Unti-unting nawala ang ngiti ko dahil sa mga naiisip. How sad that thought is. Pero babawi na nga lang siguro ako sa kanya para naman matuwa siya at makita ko ulit 'yung maganda niyang ngiti. Hehe. Halata naman masyado na malakas ang tama ko kay boss.

Sinilip ko ang pinto ng sarili niyang opisina dahil baka bigla siyang lumabas. May tatawagan kasi ako at ayoko na marinig niya. Surprise nga kasi.

Kinuha ko ang cell phone sa bulsa ko at nag-dial sa taong isa pang maaasahan sa mga ganitong bagay. As in expert siya sa ganito! One call away lang din siya. Hehe.

"Hello, Helen." Masiglang bati ko pero hindi ko gaanong nilakasan ang boses para hindi ako marinig ni boss. "Happy Valentine's day." Pahabol ko bago pa man siya makapagsalita. Baka reklamo na naman kasi ang marinig ko, ang aga pa para do'n.

"Same to you. Anong kailangan mo?" Grabe. Straight to the point ang tanong niya.

I pursed my lips to the side then rest my back on the swivel chair. Back to work kami pero kahit na gano'n ay hindi naman bitter ang building nitong company. Marami nga akong pinalagay na design na mga nakasabit at red ang color coding namin sa suot nilang uniform. Hehe. 'Yung iba lang naman ang bitter pero no choice sila, required na magsuot ng pula.

"Tumatawag lang ba ako kapag may kailangan sa'yo?" Pagtatampo ko kunwari at napanguso nang marinig lang ang buntong-hininga niya mula sa kabilang linya. "Oo na, i-set mo kami ni boss ng date. 'Yung nasa open place sana." Request ko.

"Alright. Anong klase bang lugar? Gusto mo bang marami ang design? Syempre pang-Valentine's." Sunod-sunod na tanong niya.

Napaisip ako. Hmm.. gusto ni boss? "'Yung open place sana like.. garden na lang siguro para malamig at saka 'yung design gusto ko simple pero magugustuhan ni boss. 'Wag masyadong makulay, sasakit mata niya. At 'yung sa pagkain mag-hire ka ng magaling na chef. I want her to feel special, ah." Mga bilin ko habang iniisip si boss.

Siguro naman sisigla na siya, 'di ba? Valentine's kaya ngayon kaya dapat masaya siya kasi may asawa siyang napaka-cute at mahal na mahal siya. Bihira na nga lang din niya akong bigyan ng kiss. Hmp. Kiss na nga lang hinihingi ko at hindi make love kasi lagi siyang pagod.

"Noted. Any request?" Tanong niya na nagpabalik sa akin sa realidad.

"Wala na. Anyway, I'll send you the payment. Sige na, sana may date ka rin. Hehe. Bye-bye!" Paalam ko at bago pa man siya makasagot ay binaba ko na ang tawag.

Serenity Within (Seven Deadly Sinners #1)Where stories live. Discover now