Chapter 44

10.8K 445 242
                                    

HAVRI

NAPANGUSO AKO nang titigan ako ni boss ng masama. Delikado ako sa lagay ko ngayon kaya napalunok ako. Para na naman niya akong binubutas sa paraan niya ng pagtingin.

"Isa pang likot mo dyan ako na mismo sasaksak sa'yo." Banta niya at magrereklamo pa sana ako nang tumaas na ang mga kilay niya.

Tahimik na nga lang si Havri.

Kinuha niya ang mangkok na may lamang sopas at naupo sa tabi ko para pakainin ako. Ang sarap talaga ng luto niya kaya nakakaganang kumain.

It's been weeks since that incident happened. Sa ngayon ay nagpapagaling na lang ako dahil sumasakit pa rin ang mga saksak paminsan-minsan.

Helen surrendered herself as well as Yuri. I gave my statements to them. Only the truth and the organization decided. Ang hinatol kay Yuri ay ang pagmulta ng malaking halaga, pagtanggal sa pwesto niya ng isang taon bilang sinner, dalawang taon na pagkakakulong at ang pagsisilbi niya pa rin sa organisasyon. Ah, nilipat rin pala siya sa command ko at ako na mismo ang magpaparusa sa kanya. Hindi siya swerte kung 'yon ang inaakala niya.

Then Helen. Kalahating taon siyang makukulong at aalisin sa posisyon niya bilang kanang kamay ko. Nilipat din siya sa command ni Ty, sin of greed, dahil alam nila na.. si Ty ang pinakanakakatakot na magdisiplina sa amin. Hindi rin siya swerte sa pagkakataon na 'yon dahil inosente ang ina ni Pharaoh pero dinamay niya.

Sa ngayon naman ay heto. Konting galaw ko lang ay parang handa nang makipag-digmaan sa akin si boss. Andami niyang sermon sa akin. Ugh. Para na naman akong bata sa paningin niya.

"Ahh." Ngumanga pa ako nang tinapat niya ang kutsara sa bibig ko pero hindi siya gumagalaw kaya binalingan ko siya ng tingin at nakitang nakatitig siya ng mariin sa akin.

Nilapit ko ang bibig ko para kainin ang nasa kutsara bago nagtatakang tinignan siya. Why is she staring at me like that? Lutang yata si boss. Baka puyat?

"Boss ko?" Pagtawag ko at kinalabit pa siya para matauhan siya kaya napakurap siya at tinignan ako.

"Y-Yes? Sorry." Paumanhin niya kaya tumango na lang ako.

"Ano ba kasing iniisip mo, boss?" Pag-uusisa ko pero umiling na lang siya at tinuloy ang pagpapakain sa akin kahit kaya ko naman na.

Hindi naman na gaanong masakit ang saksak sa balikat ko at pati na rin sa likod, pero may mga pagkakataon na kumikirot lalo na kapag nalalamigan. Buti nga at nagt-tyaga sa akin si boss sa mga ganitong bagay.

"It's nothing, Havri." Sabi niya at bahagyang ngumiti pero hindi naman abot sa mga mata niya. Isa pa 'yan eh, hindi na niya ako tinatawag sa endearment namin. Hmp.

Pero naalala ko na nangako siya sa akin na magpapakasal ulit kami kapag natapos na ang lahat.

Napabuntong-hininga ako nang may maalala. I promised to kill the person who killed her parents but I failed, big time. Paano ko ba naman mapapatay si Helen na kaibigan ko, kung siya rin naman ay nasaktan?

"Ano.. boss." Pagtawag ko at alanganin siyang tinignan.

"Hm? What is it?" Malambing na tugon niya kaya napabuntong-hininga ako.

Serenity Within (Seven Deadly Sinners #1)Where stories live. Discover now