Chapter 12

13.2K 618 74
                                    

HAVRI

NAKAKA-TRAUMA.

Umagang-umaga pero may nangyaring kakaiba na agad. Grabe, ang sakit. Ang sarap umiyak kapag naaalala ko. What did I do to deserve that kind of treatment from that boss of mine?

"Havri! Kayo ah! Tell me, may nangyari sa inyo?" Pangungulit ni Len pero tinignan ko lang siya bago tinuloy ang ginagawa. "At bakit ba naka-sunglass ka hanggang dito sa loob ng opisina?" 'Yung malaking ngiti niya ay nawala nang mapansin ang suot ko.

Unti-unti akong napanguso habang nakatingin sa kanya. Naiiyak ako kapag naaalala ko talaga 'yung kanina. Naman eh!

"Uy, ano nga? Ba't ba parang maiiyak ka na?" Pag-aalo niya at lumapit sa'kin para haplusin pa pataas ang buhok ko.

"S-Si boss kasi.." Umpisa ko at yumuko para dahan-dahang tanggalin ang sunglass na suot ko at ipakita sa kanya.

Tapos!

'Yung itsura niya ay mukhang naguguluhan kung matatawa ba o maaawa sa akin! I groaned in helplessness. Ngumuso din ako lalo dahil mukha siyang nagpipigil ng tawa!

"Sinapak ako ni boss. Tignan mo tuloy, medyo namamaga 'yung mata ko. Hindi naman ako aware na bakal ang kamay no'n." Sumbong ko sa kanya pero humagalpak lang siya ng tawa kaya sinuot ko na lang ulit 'yung sunglass.

Seryoso ako tapos tatawanan niya ako?

Ang sakit nung sapak sa akin ni boss kaya heto, hindi naman gaano pero halata ang pamumula ng mata ko dahil sa pamamaga!

Kasalanan ko ba 'yung nangyari kanina? Hindi ko naman sadya e! Tapos ako pa ang nasapak? Hindi ko inaasahan 'yon sa totoo lang. I was deceived by her angelic yet fierce appearance! Ang amo ng mukha tapos nananapak? Where's the justice?

_____

Ang sarap matulog.

Ang sarap talaga lalo na kapag naaalala ko 'yung pinagsaluhan naming halik ni boss. Hehe. Ang sarap sa pakiramdam at nakaka-addict! Gusto ko ulit manghingi.

Tapos 'yung mukha niyang namumula dahil sa hiya! Ang cute! Nababaliw na siguro ako sa mga iniisip ko. Kasalanan niya kaya 'yon!

Pero nasaan na siya? Kainis naman si boss---oo, boss na ang tawag ko sa kanya. Sino ba naman kasi ang may-ari nitong bahay, tumutulong sa kanya at CEO ng kompanya?

Syempre, ako. Pero siya ang boss. Takot ko lang 'no.

Masaya na sana e. Kaso nga lang ay mainit ang ulo niya sa'kin simula pa kagabi! Hindi ko rin alam doon, bigla-bigla na lang nagagalit sa akin! Behave kaya ako pero ang harsh niya.

Susuyuin ko na lang siguro. Ayoko namang galit siya ng dahil sa akin. Hehe.

Wait lang, 'yung tungkol pala sa parents niya..

Sinadya kong ipalipat sila ng sementeryo para pwede silang mabisita ni boss. 'Yung sa dati kasi ay maliit lang at siksikan kumbaga. They deserve to be respected after all.

And her tears..

Napahinga ako ng malalim at napahigpit ang kapit sa unan na yakap ko dahil sa naisip. I don't know what's happening but I could feel her pain.

Serenity Within (Seven Deadly Sinners #1)Where stories live. Discover now