Chapter 33

11.4K 459 54
                                    

HAVRI

"TUMANDA KA lang ng isang taon, nagsusungit ka na." Nakalabing hayag ni Helen at humalukipkip sa harapan ko pero sinimangutan ko lang siya.

Today is my birthday! January 27. Grabe bakit parang ang tanda ko na? Twenty na ako pero nakakainis talaga. Sinong hindi maiinis kung hindi pa ako binibigyan ni boss ng kiss simula pa kagabi? Alam naman niyang birthday ko. Ugh!

Nakipagtitigan ako kay Helen na natatawang nakatingin sa akin. Pinagt-trip-an niya ako! Grabe talaga. They're bullying me! Kainis ah. Bakit ba ganyan sila?

Umiling na lang siya at pabagsak na naupo sa tabi ko dito sa sofa. Dahil nga birthday ko ay hindi kami pumasok ni boss sa trabaho ngayon. Nandoon naman daw sila mom ng sabi ni Helen.

"Here. Pinapabigay nila tito."

Napatingin ako sa kanya naglabas ng puting sobre na sure akong ang laman ay ticket na naman. Saan kaya? Lagi na lang ganyan ang regalo nila sa amin ni boss, ah. Pero at least naman nakakagala kami. Hehe.

Kinuha ko 'yon at binuksan. I'm right. So ngayon papunta naman sa Pampanga? Ah, wait! May Sky Ranch doon! Hehe. Pwede kong ayain si boss. Sige, hindi na ako badtrip. Manghihingi na lang talaga ako ng kiss sa kanya mamaya pagkagising niya.

Binaling ko ang tingin ko kay Helen at nilahad ang kamay matapos kong itabi 'yung sobre kaya nagtataka niya akong tinignan. "Regalo ko." Panghihingi ko kaya lumabi ulit siya.

"Pass." Walang ganang tugon niya kaya napasinghap ako!

Anong pass? Grabe naman. "Para namang mahirap ka, Helen. Regalo lang, eh. Yaman-yaman mo kaya. Para regalo lang hinihingi ko, hindi naman mansyon kailangan mong ibigay." Pangongonsensya ko at ngumiti sa kanya ng malaki. I'm so brilliant!

"Oo na. Ano bang gusto mo?" Napipilitan niyang tugon kaya mas lalo akong napangiti.

"Five million---"

"F*ck you."

"Hindi kita minura." Ako naman ang lumabi ngayon. Sayang. Limang milyon din 'yon.

Ang yaman niya kaya, hindi lang halata kasi pagala-gala sa kompanya ko. If I'm not mistaken may trabaho din siya na maliit na negosyo pero malaki ang kita.

"Kalokohan 'yang mga iniisip mo." May tono ng pagbabanta sa boses niya.

Umayos na ako ng upo at humalukipkip pa. "Anong mga ayaw mong bagay, Helen?" Biglang tanong ko kaya nagtataka niya akong tinignan. 'Yung tingin niya ay parang tinubuan ako ng dalawang ulo.

"Bakit mo natanong?" Balik tanong niya.

Napaisip ako. Hindi ba pwedeng trip ko lang? Alam ko na kasi 'yung mga bagay na gusto niya kaya 'yung mga ayaw naman ang itatanong ko. Wala rin naman kaming topic. Hehe. Tulog pa si boss.

"Hmm.." She hummed while thinking. "I don't like insects?" Patanong na sagot niya.

"Hindi ka sure?"

"I mean, I don't like them. Ayoko rin ng mainit na panahon, ayoko ng---"

"Okay na. Ang boring." Pagpigil ko at rinig ko ang pagpalatak niya.

Mga simpleng bagay lang naman 'yung sinasagot niya, eh. I want to hear something more. Hindi ko rin alam sa sarili ko pero gusto kong nakakarinig ng mga gano'n.

"Ang pangit mo." Irap niya pa sa hangin.

Napasinghap ulit ako. "Mas pangit ka!" Ganti ko at sumimangot.

Serenity Within (Seven Deadly Sinners #1)Where stories live. Discover now