Chapter 13

12.7K 649 174
                                    

HAVRI

WHAT THE heck have I done?

Dali-dali akong lumabas ng pinto at sakto namang nakita ko ang pagsarado ng isa pang pinto ng guest room kaya tumakbo ako papunta doon.

"P-Pharaoh.." Pagtawag ko at kumatok sa pinto. "Open the door, please?" I pleaded. Naka-lock kasi.

Ilang segundo pa ang nakalipas at wala pa ring tugon mula sa kanya. Na-guilty naman ako sa sinabi ko kanina. That's harsh! Alam kong nasaktan siya doon dahil kitang-kita 'yon sa mukha at mga mata niya.

S-Sige na nga. Ako na ang magbababa ng pride para sa kanya. Ayoko naman siyang masaktan pa lalo na't dahil sa'kin. I feel bad.

"Pharaoh.."

"Boss."

"Open the door. I-I'm.. sorry.." Paumanhin ko at kumatok ulit. "I didn't mean what I said. H-Hindi ako galit."

Nakakapanlumo ang ganitong pakiramdam. I used to ignore people whom I hurt. Wala akong pakialam kung masaktan man sila o ano, pero pagdating kay Pharaoh ay naiiba.

Nararamdaman ko din 'yung sakit niya at parang doble pa nga ang balik sa akin. I don't wanna hurt her.

Napahinga ako ng malalim bago naglakad paalis at nagtungo sa kwarto namin at kinuha sa bedside table ang mga susi ng bawat kwarto.

Bumalik ako doon sa guest room na pinuntahan niya at pinasok ang susi para mabuksan ko. Agad namang bumungad sa akin ang asawa ko na nakatagilid ng higa at may yakap na unan kahit na madilim ang buong paligid.

"Pharaoh." Pagtawag ko ulit pero hindi man lang siya gumalaw.

Umakyat ako sa kama at umupo sa likurang bahagi niya at kinalabit siya. "Boss." Pagtawag ko ulit pero wala.

Hindi ba dapat ako 'yung nagtatampo? Hindi ko ma-gets pero sige, ako na ang susuyo sa kanya. For my wife! Tama, tama.

Niyugyog ko pa siya sa balikat pero wala pa rin. Nakakainis na. "Boss."

Umangat ako para silipin ang mukha niya pero nakasiksik siya sa unan. Nasa magkabilang bahagi ng ulo niya ang mga braso ko para hindi ko siya madaganan.

"Sorry na.." Paumanhin ko ulit at hinawakan siya sa ulo para haplusin ang malambot niyang buhok.

"You're annoying." Bigla niyang inalis ang unan at humarap sa direksyon ko.

Nagkatitigan kami at kahit madilim ay nakikita ko ang pamumula ng mga mata niya, pero mapungay 'yon sa paningin ko. Iba rin ang tono ng boses niya dahil sa pag-iyak.

"'Yan lang ba sasabihin mo?" Tanong niya pa kaya natigilan at napaisip ako.

"Uh.." Ano ba dapat ang sabihin ko? "W-What do you want me to do?" I asked that made her sigh.

Humilata na rin siya ng higa kaya umayos ako ng upo sa gilid niya at nag-indian sit.

Tahimik pa din siya kaya napanguso ako. "Gusto kita.." Sabi ko at kita ko ang gulat sa mukha niya at agad na napatingin sa akin.

Serenity Within (Seven Deadly Sinners #1)Where stories live. Discover now