Chapter 46

10.9K 448 77
                                    

PHARAOH

"I'VE GOT AN invitation from tito. May party daw bukas sa mansyon ng mga Aphelion dahil sa wedding anniversary." Kwento ko kay Jake na preteng nakaupo sa couch at may kinakalikot sa cell phone.

Dito ako tumitira ngayon sa dati naming mansyon. Kung dati ay makita ko palang ang mansyon namin ay agad kong naaalala ang masasamang alaala na mayroon ako dito, ngayon ay iba na.

I've found peace already, kahit na dito pa mismo nangyari ang pagkamatay nila. Speaking of their death, I do understand Helen that's why I forgave her, pero hindi ibig-sabihin no'n na tama pa rin ang ginawa niya. My mother is innocent with all of what happened way back then.

Enough of that. It's in the past now.

"Pupunta ka?" Nag-angat sa akin ng tingin si Jake kaya naupo ako sa harapan niya habang umiinom ng juice.

"Yes. Siguradong nandoon si Havri." Sagot ko pero tinaasan niya lang ako ng kilay.

"Hindi mo 'ko aalukin niyan?" Turo niya pa sa iniinom ko kaya napairap ako sa hangin.

"Kumuha ka ng sa'yo."

"Bisita mo 'ko!" He argued but I just nodded my head in return. "Pero anong gagawin mo naman do'n?"

Kay tito binigay ang invitation at dahil nga magkamag-anak kami ay pwede akong dumalo. Mamayang gabi na 'yon at ngayon pa lang ay ramdam ko na ang pagkain sa akin ng kaba dahil sa isipin na magkikita ulit kami.

"I'm gonna take Havri back." Seryosong saad ko at binaba ang iniinom ko para hawakan ang kwintas na binigay niya sa akin no'ng mag-celebrate kami ng pasko sa unang pagkakataon.

Yes, I still have the necklace with her symbol. Hindi ko naman 'to inalis. Dito na lang ako nagtitiwala na mahal pa rin ako ni Havri. This is a symbol that the sinner of wrath loves me.

"Pwedeng sumama?" Tanong niya pa pero umiling lang ako. "Makikikain lang naman ako para makatipid." Dagdag niya pa. Kuripot talaga akala mo naman naghihirap siya.

"Hindi pwede. Hindi ka imbitado." Pagtanggi ko at isang irap lang ang natanggap ko mula sa kanya.

"May susuotin ka na ba?" Pag-uusisa niya at agad naman akong tumango.

I had a dress prepared for me. May hinanda na rin akong regalo para kila tito at tita. Isa na lang talaga ang pinanghahawakan ko para mabawi si Havri. Just one f*cking thing.

She's still mine.

"Paano kung ayaw na sa'yo?" Taas kilay na tanong niya.

Sinamaan ko siya ng tingin. Parang no'ng isang araw lang ay sinabi niyang 'wag akong mag-isip ng puro 'Paano' pero siya ngayon ang ganyan. He's annoying. Ugh.

"Ipipilit ko pa rin." Sagot ko at humalukipkip. K-Kahit ayaw niya na sa akin ay ipipilit ko. Hindi pwedeng hindi mapasa'kin ulit si Havri. "Look at this." Tinaas ko pa ang kaliwang kamay ko para ipakita ang singsing na hindi ko tinatanggal simula nang ikasal kami. "We're still married."

That's my ace. Hindi ako pumirma sa divorce papers na pinadala niya sa akin noon at wala akong balak na pirmahan pa 'yon. Matagal din ang proseso no'n at ayoko pa rin. No way that I'm going to sign those divorce papers. Pinunit ko nga.

Serenity Within (Seven Deadly Sinners #1)Where stories live. Discover now