Chapter 32

10.1K 508 35
                                    

PHARAOH

MY HEAD f*cking hurts.

Kanina pa ako nakatitig sa maganda at malawak na kisame ng kwarto namin ni Havri at inaalala ang ginawa ko kagabi. Ugh.

Uminom ako. Yeah, right. Uminom nga ako dahil sa letseng naabutan ko sa office. Naiirita ako. Nakakainis. Masyadong close si Havri at Yuri pero anong magagawa ko? Hindi ko naman pwedeng bawalan si Havri na makipag-usap sa pinsan ko dahil magkaibigan sila.

Sila 'yung naging magkasama noon nung inakala ni Havri na namatay ako. That thought is saddening. But what can I do? Hindi naman porque mag-asawa na kami ay kokontrolin ko na siya.

Napahinga ako ng malalim at pumikit para pakalmahin ang sarili. I don't know what's with me, pakiramdam ko kasi ay maaagaw sa akin 'yung asawa ko. And it's not f*cking healthy for our relationship. Naiinis ako sa kanila at pati na rin sa sarili ko. This is not freaking good.

Maybe I'm just overthinking. Kung ano-anong iniisip ko pero paanong hindi kung nakita kong---ugh. They're f*cking kissing each other! Sinong hindi magagalit?

I clenched my jaw at the thought. Havri sure knows how to get in my nerves.

"Are you yourself again?"

Agad akong nagmulat ng mga mata nang marinig ang mababang tono ng asawa ko. The heck. Bakit ganyan ang tono ng boses niya? Parang hindi siya si Havri.

Napalunok ako. Kahit na nakasandal lang siya sa pinto ay ramdam ko ang galit niya. Is she mad at me? Masyado din seryoso ang itsura niya at matalim ang mga titig. I can't also see any emotion in her innocent face. Parang ibang tao siya. Malayong-malayo sa Havri na kilala ko.

I groaned then forced myself to get up. Sumandal ako sa headboard ng kama at nakitang iba na ang damit ko. Siya siguro ang nagbihis sa akin. I'm already wearing my nighties.

"Havri." Pagtawag ko kaya naglakad siya palapit sa akin at huminto sa gilid ng kama pero nakatayo pa rin. She's giving me a sharp and dangerous look.

"Are you yourself again?" Pag-uulit niya sa tanong kanina kaya nagsalubong ang mga kilay ko.

"Yes." I answered then heaved a deep sigh.

"Get up. Maligo ka na rin. Nakahanda na sa baba ang breakfast." Walang ganang utos niya at tinalikuran ako nang basta na lang!

Binuksan na niya ang pinto at bago pa man lumabas ay lumingon ulit siya sa gawi ko. "Nandyan sa gilid ang gamot para sa hangover." Tinuro niya pa ang lamesa sa gilid ng kama bago tuluyan nang tumalikod.

B-Bakit ba parang galit siya? Ugh! She's giving me a cold treatment! Hindi naman siya ganyan. Madalas ay masigla siya kapag bumabati lalo na sa umaga. Anong nangyari? Hindi ba dapat ako ang galit sa aming dalawa?

Siya pa talaga ang galit, huh? Kainis.

Padabog akong tumayo at ininom 'yung gamot na nakalagay dito sa gilid at dumiretso na sa banyo para maligo. Now I suddenly remembered that it isn't good to make her mad.

It's frustrating, big time. Ugh.

_____

"COULD YOU please stop doing that?" Naiiritang tanong ko nang matapos kaming mag-breakfast pero tahimik pa rin siya.

Serenity Within (Seven Deadly Sinners #1)Where stories live. Discover now