Chapter 38

10.1K 382 38
                                    

PHARAOH

IT'S BEEN months.

Ang bilis na lumilipas ng mga araw at namalayan ko na lang na parang nakakalimutan ko na ang goal ko. To bring justice for my parents and I don't like this feeling. Havri is making me forget every painful thing in my life. I'm starting to lose the sight of my goal. As I've said, siya lang ang nakakapagparamdam sa akin nito. Na wala na akong kailangan pang intindihin na iba dahil safe ako sa kanya.

It's been months yet Havri isn't telling me anything. Nahihiya naman akong magtanong dahil siya na nga ang tumutulong sa akin, but why does it seems that she's not? Ayoko namang paniwalaan si Yuri na hindi nga talaga ako tinutulungan ni Havri.

Napabuntong-hininga ako at pinagpatuloy ang ginagawa ko---ang magluto ng agahan namin. Tulog pa kasi 'yung bata dahil pagod daw siya sa meeting nila kagabi. Ang kulit din kasi at sinabi kong i-cancel na lang pero ayaw niya para naman daw magkasama kami ngayon. She has a point though.

Ilang linggo na rin siyang busy dahil nasa bakasyon ang parents niya at sa kanya mag-isa naiwan ang kompanya. Si Helen naman ay bumibisita paminsan-minsan lang.

Kahit naman busy si Havri ay hindi niya ako nakakalimutan na bigyan ng atensyon. Even if I'm harsh at her sometimes. Speaking of harsh, umalis na si Yuri. Hindi ko alam kung saan siya nagpunta at wala naman akong pakialam kung saan man siyang impyerno magpunta. Ilang linggo matapos ko siyang bugbugin ay saka siya umalis. That's even better. Walang umaaligid sa asawa ko.

Pero kasabay ng pag-alis niya ay ang pagtigil din ng mga sumusunod at humahabol sa akin para patayin ako. Hindi ko alam kung bakit pero para silang bulang naglaho. Coincidence lang ba ang lahat?

Napaigtad na lang ako nang maramdaman na may brasong pumulupot sa baywang ko mula sa likod. Sino pa ba ang salarin dito? 'Yung batang makulit.

"Boss, bakit ba ang hilig mo 'kong iniiwan sa pagtulog?" Reklamo niya kaya natawa ako. Her voice sounds like a music to my ears.

Yeah, right. Ayaw niya nga pala na hindi kami sabay na matutulog at magigising, pero ano namang magagawa ko kung kailangan ko rin gumawa ng mga gawaing bahay? Ang cute niya rin kapag nagiging clingy na madalas niyang ginagawa.

Humarap ako sa kanya pero nanatili siyang nakayakap sa baywang ko. She looks like a kid who'll sulk in any moment! Cute.

Pinanggigilan ko ang magkabilang pisngi niya at hinalikan sa noo. "Ang sarap kasi ng tulog mo. Hindi naman kita tatakasan, Havri." Dahilan ko at niyakap siya sa balikat kaya sumiksik siya sa akin.

"Kahit na." Ungot niya at ngumuso pa talaga para magpa-cute. Ugh. Ang bango niya rin dahil bagong ligo.

"Tara na nga. Let's eat." Pag-aaya ko at hinatak na siya para makaupo sa dining area.

"Parang ang bait mo ngayon, boss." Pagpuna ni Havri habang sinasandukan ko siya kaya napataas ang mga kilay ko.

Naghihinala siyang nakatingin sa akin at bahagyang nakanguso kaya parang ang sarap niyang ibulsa. Ugh. Why is that? At anong mabait? Wait---!

"Anong ngayon lang?" Naniningkit ang mga matang tanong ko kaya nag-iwas siya ng tingin.

"Madalas masungit ka, eh." Dahilan niya pa at nag-umpisa na kaming kumain.

What? What the heck? So ngayon lang talaga ako mabait sa paningin niya? That's f*cking harsh. Anong laging masungit? I-I mean, hindi naman madalas---ugh! Basta!

Serenity Within (Seven Deadly Sinners #1)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن