Chapter 28

12K 562 67
                                    

NANGINGINIG AT mahigpit ang hawak sa espada na nakangisi si Havri sa apat na lalaki.

Hindi na niya maintindihan ang nararamdaman. Pakiramdam niya ay hindi na naman niya kontrolado ang sarili niyang katawan. Nawalan na ng buhay ang mga mata niya at napupuno ng kadiliman dahil sa nakita. The spark in her eyes is now gone.

Her wife was hurt.

The woman she loves was hurt and bleeding.

Sumasabay sa panahon ang emosyong nararamdaman niya. Bumuhos ang malakas na ulan at umihip ang malamig na hangin kaya nagsayawan ang mga puno sa paligid na gumawa ng ingay. Naging manipis ang hangin sa paligid at taas noong nakangisi sa kanila si Havri. The sinner of wrath.

Kakaibang galit ang makikita sa kanya. Nakakakilabot na parang pati ang panahon ay natatakot sa galit ni Havri. Parang pati ang panahon ay umaayon sa kanya.

Nakahiga sa lapag si Pharaoh. May tatlong saksak at nanghihina. Parang anumang oras ay babawian na siya ng buhay pero sa kabila no'n ay nakahinga siya ng maluwag, lalo na't dumating ang asawa niya. She's finally safe.. or not? Iniisip niya na lang na hindi mawawalan ng kontrol ngayon si Havri dahil takot itong masaktan siya.

May saksak siya sa balikat, braso at sa bandang tyan pero mababaw lang. Mas malalim ang nasa balikat niya.

"H-Havri.." Nanghihinang bulong ni Pharaoh at sinubukan na gumalaw pero napaigik lang siya sa sakit at namilipit. She's starting to lose her consciousness.

Havri doesn't care anymore. Wala na naman siya sa sarili sa paraan niya ng pagtingin sa kanila. Walang buhay at walang makikitang emosyon sa loob ng mga mata niya, pero nararamdaman ang galit.

Walang emosyon na pinapakita pero nag-aalab sa pakiramdam.

The reason why she's the sinner of wrath.

Naghihintay lang sila kung sino ang unang susugod. At nangyari na nga..

Kasabay ng matalim na pagdaan ng kidlat at liwanag nito, at ang malakas na kulog ay sumugod ang isang lalaki hawak-hawak ang kutsilyo, ngumisi siya nang makitang bata lang ang nasa harapan nila at nasa ere na ang kanan niyang braso pero nakangisi lang siyang tinignan si Havri bago..

Natahimik ang lahat.

Mas lalong lumakas ang ulan kasabay ng pagkulog at kidlat.

Sa loob ng parang bahay na may puntod ng mga magulang ng asawa ni Havri ay maririnig ang isang tinig na puno ng sakit.

"A-AHHH!" Nahihintatakutan niyang sigaw nang sa isang iglap---

Punit na ang laman niya sa braso, tumalsik at tumutulo ang masaganang dugo mula doon na kumalat sa puting tiles at hawak ni Havri ang braso niyang naputol na may hawak na kutsilyo.

May bahid na din ng dugo ang hawak niyang espada na tumutulo sa lapag at may sarili niyang simbolo pero parang wala lang sa kanya ang nangyari. Diretso pa din siyang nakatitig sa isa sa lalaking nanakit sa asawa niya.

Nangyari sa isang iglap lang. Ni hindi man lang nila nakita kung paano kumilos ang kamay ni Havri na may hawak na espada. Parang imposible ang pangyayari.

And now, they know that they couldn't do anything to her. Wala silang laban kahit na bata lang ang tingin nila kay Havri. Ang kailangan lang nila ay makatakas na. Pero paano nila 'yon magagawa kung nasa mismong gate si Havri?

Marahas na binato ni Havri ang hawak na braso sa kung saan at binalingan ng tingin ang apat na lalaki. Napaupo sa lapag ang naputulan ng braso at naghabol ng hininga. Namawis ang noo sa kabang nararamdaman at nanginig ang mga tuhod dahil sa takot. Pakiramdam niya ay anumang oras ay babawian na agad siya ng buhay dahil sa sobrang sakit.

Serenity Within (Seven Deadly Sinners #1)Kde žijí příběhy. Začni objevovat