Special Chapter 2

13.4K 529 82
                                    

HAXEN EMPREZ

IT'S MONDAY again. May pasok na naman pala kami sa school. Another boring day. Ugh. We're in grade 1 and.. it's really boring pero kailangan na pumasok.

"Good morning! Bangon na!" Masiglang bati ni Yvri at hinatak pa ang comforter na nakabalot sa akin habang humahagikgik.

Napatitig ako sa kanya. Hindi ko siya maintindihan. Parang mas dumoble ang sigla niya simula nang manggaling kami sa mansyon nila Tita Ferish. May nakilala daw kasi siyang magandang bata rin.

"Bangon ka na, twinny." Pinaghahalikan niya pa ako sa pisngi nang hindi ako gumalaw sa pagkakahiga kaya napasimangot ako bago bumangon na at dumiretso sa banyo. Nauna na kasi siyang maligo.

It is another boring day for me. Mas gusto ko na lang matulog kaysa pumasok pero hindi naman pwede dahil hindi papayag si mom at mommy. Kailangan daw naming mag-aral.

Nang matapos maligo ay nagbihis na rin ako ng uniform, unlike Yvri na kailangan pang bihisan dahil laging magulo kapag siya ang nagsuot. Kaya ko na ang pagbibihis ng maayos.

Bitbit ang bag ay bumaba na ako ng hagdan at agad naman akong sinalubong ni Mom Havri ng ngiti. "Hello, baby." Bati niya at yumuko para buhatin ako.

Napalabi ako. Hindi ko gusto na madalas akong binubuhat pero gusto niya 'yan. Mom has always been like this that's why we're all close with each other. Mas gusto nila na nagiging malapit kami sa isa't-isa.

Nakarating kami sa kusina at binati rin ako ni mommy na nagsasandok para sa breakfast namin. It's the usual. Fried rice, hotdog, eggs, bacon, sausage, milk, butter and bread.

"Yvri, baby, why do you seem to be energetic these past few days?" Malambing na tanong ni mommy kaya binalingan ko rin ng tingin ang kambal ko na natigilan sa pagkain at biglang namula dahil sa tanong. Nasa harapan ko kasi siya.

Ah, I see. Crush niya siguro 'yung babae na tinutukoy niya na nakilala niya no'ng nakaraang linggo lang kaya ganyan ang reaction niya. It's her first to have a crush. Nahihiya pa siya dahil aasarin siya ni Mom Havri na hilig gawin 'yon sa amin.

"S-Secret! No clue. Hmp." Umiling-iling pa siya kaya bahagya akong natawa dahil nagtataka siyang tinignan nila mom at mommy pero napangiti na lang din.

We're open about their relationship. Pinaliwanag na nila sa amin 'yon at hindi naman kaso na parehas silang babae. They love each other. They're doing their responsibilities and they love us so much. They're great persons, indeed. We love them.

Nang matapos ang breakfast ay hinatid na kami ni mom sa school na pinapasukan namin. Siya ang naghatid sa amin mismo at hindi ang driver. Gawain niya kasi 'yon para kahit papaano ay nakakasama niya kami.

Nagkwentuhan pa kami ng ilang mga bagay hanggang sa nakarating na kami sa school. Nasa tapat kami ni Yvri ng malaking gate nito habang hinahatid kami ni mom hanggang sa loob.

Marami ang napapatingin sa gawi namin, palibhasa ay friendly si Yvri at maganda si mom kaya gano'n. Sinong hindi makukuha ang atensyon nila. Hindi ko rin naman gusto ang atensyon. Mas gusto ko ang tahimik, unfortunately, hindi ko 'yon makukuha kay Yvri.

"Girls behave, okay? Especially you, Yvri." Bilin sa amin ni mom at nakita ko pa ang pagnguso ng kambal ko dahil sa narinig. Siya kasi lagi ang makulit sa amin kaya siya ang sinasabihan ni mom.

Serenity Within (Seven Deadly Sinners #1)Where stories live. Discover now