Chapter 37

10.6K 409 40
                                    

HAVRI

ANG BILIS na lumipas ng mga araw at grabe talaga. Anong buwan na ba? Parang kahapon lang February pa, ngayon ay March na. Pakiramdam ko mga kumurap lang ako tapos lumipas na agad ang isang buwan?

I suddenly remembered that I already found out something but.. I-I'm not telling Pharaoh. Hindi ko nga alam kung kailan ko masasabi pero nag-uumpisa na naman akong matakot. Feels like I'm a coward.

Nakakainis ang ganitong pakiramdam. I found out something that may be the reason of that someone to kill Pharaoh's parents. 'Yung dahilan lang ang nahanap ko pero hindi ko pa rin sigurado kung siya nga ba.

But there are still questions left unanswered in my head.

Huminga ako ng malalim at pumikit habang nakasandal dito sa sofa sa sala ng bahay namin ni boss. I suddenly remembered the past when people hated me for my anger. Natakot ang mga tao sa akin noon hanggang sa puntong kinamuhian ako. Hindi lang naman dahil sa nangyari noon kay boss, pati na rin no'ng mga panahon na nagagalit ako noon.

I don't care at all. Sa ngayon ay hindi ko na dapat pinagtutuunan ng pansin ang mga ganoong bagay. I've moved on. Pharaoh is alive and we're happily married to each other.

Wala na akong dapat na alalahanin pa pwera na lang sa kanya at sa problemang mayroon siya. I promised to help her and now..

Huminga ulit ako ng malalim. The video that the USB contains is about a certain deal. May kasunduan na ginawa ang mga magulang ni boss na hindi natupad na pwedeng dahilan kung bakit sila pinatay. But why does it feels so wrong? Nakakairita na talaga ang ganitong pakiramdam na malapit ko nang makuha ang sagot, pero nararamdaman ko naman na mali. It's frustrating, big time.

Then si Yuri. Ugh. Ilang araw din siyang nagstay sa hospital dahil daig niya pa ang nabugbog, jusko, ang dami niyang pasa sa mukha at kalmot sa mukha pati braso na naging sugat! Si boss naman ay parang walang pakialam doon sa pinsan niya. Parang naririnig ko pa nga ang sinabi niya noon nung tinanong ko siya about sa pinsan niya. 'To hell I care. Pasalamat siya at buhay pa siya'.

Speaking of Yuri, Pharaoh told me that she's a sinner! Kaninong command naman 'yon nanggaling at bakit hindi ko man lang alam? Ugh! Kung totoo man 'yon, bakit hindi siya lumaban noon kay boss? I mean, sinners were trained to fight and kill but why didn't she fought? Natakot kay boss?

At bakit ba ako nag-iisip pa ng ganito kung pwede naman akong magtanong sa mga commander? Nagiging slow na yata ako. Bakit naman ganito. Aish.

Kinuha ko ang cellphone ko at agad na nagtungo sa messenger para gumawa ng group chat namin! Hehe. Isama ko na rin si Ferish. May mga account naman 'yung mga 'yon. Ang talino ko talaga. Hehe.

Commanders

Havri:
Hellooo peopleee!

Tyzhel:
What the f is this?

Havri:
Ang aga mo namang magsungit, Ty. May itatanong kasi ako.

Tyzhel:
Naghihirap ka na ba at wala kang load pantawag?

Havri:
Meron kaya!

Parixia:
What the fuck is this shit?!

Havri:
Hoy! Watch your words, prof!

Serenity Within (Seven Deadly Sinners #1)Where stories live. Discover now