Chapter 10

15.6K 652 118
                                    

HAVRI

"BAKIT GANO'N, LEN?" Tanong ko kay Len habang pinaglalaruan ang ballpen sa kamay ko.

It's Saturday. Naisipan kong magpahinga at syempre, kasama ko si Pharaoh. Ito namang si Len ay bumisita at nandito kami ngayon sa library ng bahay ko.

"What is it?" She asked then took a bite on a cheese cake.

"I mean, bakit parang siya ang boss sa'ming dalawa? Nakakatakot kapag naiinis o nagagalit! Wala naman akong ginagawa pero mainit ang ulo sa'kin." Reklamo ko at napasimangot.

Yep. Sa kanya ako dapat magreklamo dahil siguradong may gagawin na naman si Pharaoh na kung ano kapag sa kanya ako nagreklamo. Takot ko lang 'no.

Nagulat pa ako nang napahagalpak siya ng tawa! Anong nakakatawa sa tanong ko? Nakakainis ah, seryoso ako pero tinatawanan niya!

"Alam mo anong tawag dyan?" Natatawang tanong niya kaya napaisip ako.

"Ano?"

"Under ka, Havri! Hahaha! Akalain mo 'yun? Isang Pharaoh lang pala katapat mo!" Then she burst out laughing again.

I groaned in annoyance. Under her face. Tsh. Harsh lang talaga si Pharaoh sa'kin. Mapanakit! Tapos parang siya ang may-ari nitong bahay.

Ilang araw na ang nakalipas simula nung nagalit siya sa'kin sa office. Sa kanya daw ako? Syempre, mag-asawa kami. Pero kita ko gigil niya no'n sa mga mata niya. Delikado. Siya ang boss, baka sa susunod hindi na niya ako patuluyin sa mismong bahay ko!

"Tapos, nung nakaraang araw, nagagalit na naman nung nagmeeting kami ni Ms. Torres, nananahimik na nga lang ako e." Reklamo ko pa at napahinga nang malalim.

Ano bang nangyayari? Hindi ko talaga gets. As in. First time ko 'tong maranasan. Maging under? G-Grabe naman 'yon!

"Ikaw, umamin ka nga." Seryosong sabi niya kaya kinunutan ko siya ng noo. "Hindi niyo ba ginagawa 'yung madalas gawin ng mga mag-asawa? I mean, kahit sa kissing, hugging, dating?" Curious na tanong niya.

"Minsan hug kapag nakakatulog ako. 'Yung kiss ay minsan lang tapos date? Hindi naman." Kwento ko at rinig ko ang pagsinghap niya!

"Nagkikiss na kayo?! Told you, Havri. I-date mo kasi para hindi mainit ang dugo sa'yo! Kung makaasta ka, parang hindi mo asawa e." Pangaral niya kaya napalabi ako.

"It's not as if we love each other. Hindi naman 'yun ang purpose kaya kami kinasal." Depensa ko at uminom sa iniinom kong gatas.

"Fine. Pero hindi mo na 'yon mababawi. You're still married with Pharaoh so treat her the way she deserves."

Natigilan at napaisip naman ako sa sinabi niya. Pharaoh and I may be strangers---at least not now---to each other, but that doesn't mean, I'll not treat her right.

I mean, she deserve happiness despite of what happened to her family. She deserves the best, that's why I'm helping her.

She deserve what's the best.

Napangiti naman ako dahil sa naiisip at napakagat labi para pigilan pero wala, tuluyan na akong napangiti.

"Sige. Pero paano ba magset ng date?" Tanong ko na nagpangiti sa kanya. She looks proud.

Serenity Within (Seven Deadly Sinners #1)Where stories live. Discover now