Chapter 50

16.1K 450 40
                                    

PHARAOH

ANG LAKAS at bilis ng tibok ng puso ko dahil sa narinig mula kay Havri. Naiwan akong tulala. I don't f*cking know what to say with her confession. Para akong naging tuod sa kinatatayuan. Hindi ako makahinga ng maayos. Para akong binuhusan ng napakalamig na tubig. All I could hear is the fast beating of my heart, screaming the name of my girl.

H-Havri.. still loves me.

P-Pero 'yung sinabi niya.. what the hell? I feel so f*cking stupid to forget about that. I suddenly felt overwhelmed with the sensation that only this girl could give me. I was left speechless. Gusto kong magsalita pero hindi ko magawa. The shock is too much. The blissful sensation is too much to handle.

Tita Sara helped me with this matter as well as Havri's secretary which is I didn't expect. Mabait din naman pala siya pero mukha lang na hindi. Sila ang tumulong sa akin para magkaayos kami ni Havri.

And now..

How can I forget the words that she wanted to hear all these time? Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. I felt petrified. I could feel a suffocating sensation---in a positive way---overwhelming my whole being.

Havri..

Hindi ako makapagsalita. I could clearly see the disappointment, frustration, pain, and sadness in her eyes. Halo-halong emosyon ang nararamdaman niya at dahil wala akong masabi ay hinakbang ko na lang ang pagitan namin para muli siyang ikulong sa loob ng mga bisig ko. Nanghihina ako. Nanginginig ang tuhod ko at namamawis ang noo ko. Oh, God.

Niyakap ko siya ng mahigpit. Gusto kong maiyak at ramdam ko nga ang pangingilid ng mga luha ko. Ilang taon ko nang hindi naririnig ang mga salitang 'yon mula sa kanya. Ayoko nang pakawalan siya lalo na ngayon na narinig ko ulit sa kanya na mahal niya ako. No way in hell that I'm going to let her go.

"I-I love you, Havri.." Nanginginig na bulong ko sa mismong tainga niya at ramdam ko ang kamay niya na nasa baywang ko at pilit na kumakalas sa yakap pero mas lalo kong hinigpitan para hindi siya makawala. "I love you. I love you. I love you. I love you so much, baby." I whispered to her ear again and again.

Ramdam ko ang paghigpit ng kapit niya sa suot kong dress at ang pagsandal ng ulo niya sa leeg ko. Para siyang nanghihina at ramdam ko ang pagtulo ng mga luha niya sa leeg ko. Sobrang saya ko na hindi ako makapagsalita.

Sobrang saya na higit pa sa salita.

"Mahal na mahal kita, Havri.." I whispered one last time before pulling from the hug.

I caressed her cheek to wipe the tears in her eyes. Nawala na 'yung malamig na titig na binibigay niya sa akin noon. She looks transparent this night. Nakikita ko ang iba't-ibang emosyon sa magandang mga mata niya. Nangingilid pa rin ang mga luha niya at nakikiusap ang mga tingin na binibigay niya sa akin.

"B-Bakit mo kinalimutan?" Mahinang tanong niya kaya natigilan ako at ramdam ko ang pag-iinit ng magkabilang pisngi ko dahil sa kahihiyan.

"I-I.. didn't mean to, baby." Pabulong na dahilan ko at napakamot ng pisngi pero tinitigan niya lang ako at bumuntong-hininga. She's really disappointed.

Kumalas siya sa akin ng yakap at nararamdaman kong masama ang loob niya sa akin. Nagpunta siya malapit sa railings ng yacht at tinignan ang ibaba namin kung saan makikita ang dagat sa madilim na gabi.

Serenity Within (Seven Deadly Sinners #1)Where stories live. Discover now