Chapter 3

17.3K 699 255
                                    

HAVRI

"GUSTO MO, tabi tayo matulog?" Alok ko kay Pharaoh nang makapasok siya sa kwarto ko.

Sa kwarto ko siya pinapasok, kasi... trip ko lang. Wala naman sigurong masama ro'n. Lagi akong mag-isa natutulog kaya para maiba naman. She looks harmless and I swear, her feminine scent is addicting.

Hindi talaga ako magsasawang sabihin na ang ganda niya. She's beyond the word beautiful. She's the very definition of beauty and perfection that was molded carefully by the universe itself.

Tapos, siya pala 'yung Hillton na sinasabi nila mom and dad. Her parents were recently killed and that's definitely traumatic and unfortunate for her.

Pero bakit ba ang tangkad niya? Hindi ko ma-reach. Hanggang balikat lang ako umabot.

Tinitigan niya ako nang masama at napakunot ang noo. Nakaligo na kasi siya pagkatapos kumain at heto, nakatitig siya sa akin nang hindi makapaniwala. Ang sexy niya kahit saang anggulo tignan. Her body is flawless and smooth..

"Say what?"

Ang sungit niya naman. Nagtatanong lang naman ako kung gusto niyang matulog dito. Pakiramdam ko tuloy ay hindi gagana sa kan'ya ang pangungulit ko. Matapang, e.

Her gorgeous eyes were staring at me with judgement. Nangingilala ang mga mata niya at alam kong wala siyang tiwala sa akin. I can't blame her, though. We didn't know each other but here she is, in my territory. In my place. Mine.

Wala sa sariling bumaba ang tingin ko sa mapupula niyang mga labi. My throat went dry as it somehow crave for something that I'm not aware of. She smells fragrant and it's giving me a feeling of immense temptation.

Why does she have to be so perfect?

"Where are you staring at?" Salubong ang kilay na tanong niya kaya natigil ako sa iniisip.

"Sa lips mo." Honest na sagot ko kaya nanlaki ang mga mata niya at napaatras. Anong masama sa sinabi ko? "Tingin lang naman." Dagdag ko at bahagyang napanguso sa reaction niya. Para namang may gagawin akong masama niyan.

"You..." Tinuro niya ako na parang nag-uumpisang mairita sa akin. "Are you for real? What the hell is wrong with this kid." She mumbled but I was able to hear it.

"I'm not a kid." I dismissed the topic and pointed my bed. "Tabi tayo." Ang nasabi ko na lang. Hindi na 'yan tanong. Medyo inaantok na din kasi ako at pagod pa.

Nakaligo na rin naman ako kaya humiga na ako sa tabi niya habang siya ay nanatiling nakaupo sa gilid ko. I can feel how uneasy she is. Mukha ba akong hindi mapagkakatiwalaan? Ang bait ko nga.

I softly tapped the space beside me but she stared at me with an evident hesitation in her eyes. "Higa ka na. Hindi ako malikot matulog, promise." Tinaas ko pa ang kanang kamay ko na parang nanunumpa.

Mailap ang mga mata niya at malalim tumitig. Nangingilala at naghihinala sa kahit na sino. I can say that she's a smart woman based on how she can adapt to the situation well.

"You'll sleep beside a stranger. Okay lang sa'yo? Paano kung bigla kitang takpan ng unan hanggang sa mamatay ka para tumakas ako?" She asked and raised an eyebrow in front of me.

Serenity Within (Seven Deadly Sinners #1)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora