Chapter 30

10.6K 520 60
                                    

PHARAOH

"TITO," Nakangiting bati ko nang makita ko siya na nakaupo sa may sala.

Matikas pa din ang tindig niya at kababakasan ang kakisigan noong kabataan. Just like my dad. Kahit na may edad na ay ang bata niya pa rin tignan. He's also wearing a business attire that suits him very well. Like a king in front of us.

He smiled then stood up, sinalubong niya din ako ng yakap kaya pinuntahan ko siya para yakapin. "It's been a while, hija." Bati niya.

Ramdam ko ang higpit sa yakap ni tito. As if I'm also hugging my own father. Nakakatuwa lang talaga na nandito siya, so he knows that I'm still alive, huh?

Dahan-dahan akong kumalas sa yakap at napangiti sa kanya. Bigla din sumulpot sa tabi ko 'yung batang natalo ko sa deal namin pero talagang napataas ang kilay ko nang makitang matalim ang mga titig na binibigay niya kay tito.

What's with her?

"Have a seat, Mr. Hillton." Pormal na bati naman ni Havri at minuwestra pa ang sofa.

We sat. Katabi ko si Havri at nasa harapan naman namin si tito. We're actually close. Mabait kasi siya lalo na sa akin. He's like my father, kapatid naman siya ni dad. Naalala ko pa noon na lagi akong bumibisita sa kanila.

"I'm glad to see you again, Yxen, hija." Ngumiti pa si tito sa akin. A genuine smile I can say.

"Yeah. After what happened. Tinutulungan ako ni Havri." Baling ko pa sa asawa ko na ngayon ay nagkukutkot ng unan.

Napahinga ako ng malalim. I'm happy that I was able to see Uncle Nyxon, Yuri's father. Hindi ko lang talaga alam kung saan nagmana 'yung pinsan ko dahil mabait naman parehas sila tito at tita.

I suddenly remembered what happened the night my parents got killed. Pakiramdam ko kasi ay magulang ko din ang bumisita dito ngayon. I feel nostalgic as I look at him.

Sila na lang din ang natitira kong kamag-anak. Mukha rin namang masaya siya na makitang buhay pa ako at siguradong siya ang namamahala sa kompanya. Pero ayoko muna bumalik sa trabaho doon hangga't hindi pa natatapos ang lahat.

I want to fix everything first, before going back.

_____

"MOM, DAD, I'm home!" Sigaw ko pagkapasok ng main door sa loob ng mansyon.

It was such a tiring day. Nakakapagod ang trabaho sa kompanya at buti na lang ay tinutulungan pa rin ako ng parents ko kahit na tumanggi na ako. I want them to rest, kailan lang din nang ipangalan na sa akin ang kompanya namin.

Hillton Shipping Lines.

Naglakad ako patungo sa dining area dahil siguradong nagluluto na si mom doon habang kausap si dad. They're so in love with each other. How I wish I'll get that kind of love.

Yeah. Hinihiling ko kahit na wala naman akong sinasagot sa mga nanliligaw. Tsh.

"Anak, nandyan ka na pala. How are you?" Salubong ni mom na nakasuot ng apron at may hawak na sandok.

Serenity Within (Seven Deadly Sinners #1)Where stories live. Discover now